MAGANDA ang attitude kung naniniwala ka na “Patience is a Virtue” dahil sa pagtitiyaga na sasamahan mo ng pagsusumikap ay mararating mo ang gusto mong paroonan.
Kaya bilib kami sa baguhan na si Kelvin Miranda na matiyaga sa kanyang pagaartista.
Nagsimula sa paggawa ng mga TV Commercials, pagiging isang print ad model at pasabit-sabit lang noong simula bilang one of those (kung hindi bahagi ng barkada ang role ay kasali siya sa mga pelikula or television shows na pwedeng andyan siya o kung mamalasin ka ay baka ma-edit pa ang eksena niya), sa ganitong mga pagkakataon, hindi pa rin nawawalan ng pagasa si Kelvin na balang araw ay mapapansin din siya.
Sa katunayan, may magandang role sana para sa binatilyo sa bagong serye sana ng GMA-Kapuso Network na hindi ko na alam kung ano ang nangyari at kung natuloy ang role na yun para sa kanya or napunta sa iba.
Maraming ganung kuwento kasi sa showbiz. Hindi lahat ng akala mo ay para na sa’yo ay sumasabit pa. In short, pwede ka mabaril sa role na akala mo sa iyo ay mapunta sa iba ang karakter na dapat sa iyo na sana sa pelikula or serye.
Dahil matiyaga si Kelvin at walang reklamo sa estado niya sa showbiz, sa tulong ng kanyang manager na si Tyronne James Escalante, may magandang role si Kelvin pelikulang Dead Kids as Sue Ramirez’ love Interest directed by the award-winning Mikhail Red and another film from Jason Paul Laxamana na Ang Henerasyon Sumuko sa Love as Tony Labrusca’s younger brother.
Kaabang-abang si Kelvin sa Regal Films Mga Huling Magkukulam with Paolo Balleteros as Ylona Garcia’s love interest.
Sa telebisyon naman, in GMA-Kapuso’s Bubble Gang, Kelvin is one of the semi-regular cast in the comedy-gag show. By the way, Kelvin is one of Mother Lily Monteverde’s newest Regal Babies.
Reyted K
By RK Villacorta