MULA SA daan-daang entries na sinabmit, pasok sa 2014 MMFF New Wave ang Mulat (Awaken), Gemini, Magkakabaung (The Coffin Maker), M, at ang Maratabat. Si MMDA Chairman Francis Tolentino ang nanguna para sa presentation ng mga napili upang pagkalooban ng certificate. Kasama rin du’n ang mga napili para sa short film, animation, at cinephone.
Dalawang sa entries ay dinirek ng dalawang babae, si Direk Dianne Ventura para sa Mulat at si Direk Arlyn de la Cruz para sa Maratabat. Nakatikim na kami ng gawa ni Direk Dianne Ventura nang mapanood namin ang kanyang short film titled TheRapist starring Ms Cherie Gil at Marco Morales. Du’n pa lang, hanga na kami sa baguhang direktora na maraming kakabugin once tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng pelikula.
We haven’t seen any work of Direk Arlyn kaya wala muna kaming comment tungkol sa kanya. Pero base sa napanood naming trailer ng movie niya, promising filmmaker si Direk Arlyn.
Bida sa pelikula ni Direk Dianne ang commercial at ramp model na si Loren Burgos. Part ng ABS-CBN Star Magic si Loren pero hindi siya nabigyan ng break. But she’s consistenty in some ABS-CBN shows like Home Sweetie Home, at iba pang TV shows at kasama rin siya sa nalalapit na Christmas serye ng Dos with KC Concepcion and Paulo Avelino.
Pang-beauty queen din ang ganda at tindig ni Loren pero sabi niya, “Sumubok na ako sa Mutya Ng Pilipinas before pero pag-arte talaga ang gusto ko.”
Dumaan din sa audition si Loren at nakuha siya. Nagandahan siya sa story ng Mulat kaya naman all-out ang ginawa niya rito. May kissing scene siya both sa dalawang leading man niya na sina Jake Cuenca at Ryan Eigenmann.
“Iba talaga kapag magagaling na aktor like Jake and Ryan. Theyre so professional at ang babait nila. Wala lang kaming time mag-bonding dahil super busy rin sila. Kami na lang ng maganda at sexy kong direktor ang magkasamang lumalabas minsan,” kaswal at nakangiting tsika ni Loren sa amin.
May isa kaming insider from the New Wave na nakausap at sinabi nitong isa ang Mulat na dapat panoorin dahil bago at kakaiba ang kuwento nito na nakakagulat daw ang ending nito.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer