Next to Tito, Vic & Joey: Toni Rose, pinakamatagal na noontime show host!

Tatlong dekada na ang Eat… Bulaga! at more than half nang itinagal nito sa ere ay kasama ang beauty ni Toni Rose Gayda. Sa thirty years ng longest-running noontime show, kalahati rito ay nakapiling ng televiewers si Toni Rose.

Actually, nagsimula si Toni as host sa Lunchdate sa GMA-7. Nasa channel 2 pa noon ang Eat… Bulaga!. May kompetisyon man sa pagitan nila, nagawa naman ni Toni na mag-guest sa ilang shows nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Paminsan-minsan, nakalalabas siya sa Iskul Bukol, isang sitcom na pinasikat ng comic trio noong 80’s. Maging sa Okay Ka, Fairy Ko ni Vic ay nagawa ring mag-guest ni Toni.

Hindi nagtagal, nagsara ang Lunchdate. That was 1994. That year, kinuhang host si Toni sa Eat… Bulaga!.

“Nag-start ako sa Eat Bulaga sa Del Monte Kitchenomics muna with Sandy Daza noong 1994. After that, they asked me na mag-co-host na every other week kasi nga kagagaling ko lang sa seven or eight years na noontime show, ang Lunchdate.  Sabi ko, “Teka muna, kaya ko pa ba?” Sa Celebrity Sports Plaza pa kami,” kuwento ni Toni Rose nang ma-interview namin sa dressing room ng Eat… Bulaga! sa Broadway Centrum.

[ad#post-ad-box]

“Noong nawala si Christine Jacob, everyday na ako talaga. Mga 1996 ako nag-start dito na regular. Parang enjoy lang. Everything just happens na lang.”

Sa itinagal ng EB, ang biggest challenge ni Toni ay ang kumanta. Todo-effort talaga siya dahil hindi naman siya singer.

‘’Yung challenge namin ni Anjo, ako sa pagkanta, siya sa pagsayaw. Grabe talaga ang nerbiyos ko noon pero ang saya rin. Pina-voice lessons nila ako. Si Anjo naman, pinag-dance lessons nila. Ang kinanta ko ‘Unforgetttable.’ Hindi ako kumakanta talaga. Challenge talaga, that’s it.”

Ina-acknowledge naman ni Toni na ang laki ng naitulong ng EB sa kanya.

“Ang Eat… Bulaga! naman talaga, haligi na iyan. Naging household name ako. Tuluy-tuloy pa ang Eat… Bulaga! tapos carry over pa ng Lunchdate. So sabi ko, next to Tito, Vic and Joey, ako na siguro ang pinakamatagal sa noontime show.

Actually, bata pa lang ay may offer na kay Toni na mag-artista. Kinukuha siya ng Lea Productions noon. Kaya lang, ang gusto ng mom niyang si Rosa Rosal, tapusin niya muna ang kanyang pag-aaral. Una siyang nakilala sa mundo ng commercial.  Naging Camay Girl siya nang magkaroon siya ng TV ad para sa sabon nito.  And then, nag-host siya kasama si Ariel Ureta. Hindi nagtagal, gumawa siya ng sitcom, ang ‘Yan Ang Misis Ko. Nasa kolehiyo pa siya noon. Noong 1987, kakagaling lang ni Toni mula sa States nang matanggap niya ang offer na mag-host sa Lunchdate.

Nakagawa rin siya ng movie, ang Wa Na Ko Say. Ginawa niya ito sa production ng kanyang husband noon.

“Ang movie na ginawa ko talagang seryosohan ay ang Enteng Kabisote, ‘yong last. I was turning down offers then. I want to spend time with my kids.

With Eat Bulaga, nabago nang husto ang buhay ni Toni.

“Ang EB, naging parte na ng buhay ko. Parang naging rituwal na. Naging household name ka talaga. Kahit saan ka magpunta talaga, alam nila’ng Eat Bulaga… lalo ako, hindi ako nag-e-expose ng sarili ko sa ibang show. Pag mayroon akong show, concentrated ako, ‘yon lang. Natuto talaga ‘ko ng hosting. Dati, mahiyain talaga ako. Nawala ‘yong fear ko sa tao. Nabigyan ka ng confidence, kahit saan ka ipag-host, okay lang sa iyo kasi nahasa ka.

Sabi ni Toni, tunay na naiiba ang Eat… Bulaga!.

“Unang-una, ‘yong samahan. ‘Yong  talagang totoong-totoo. Hindi naman perfect. Napaka-generous, napakamaunawain nila. Basta, masaya silang kasama.”

Sa hosts ng EB, Toni is closest to Ruby. “Kami ni Ruby ang pinakamatagal dito pero halos lahat naman sila eh, ano naman, halos pare-pareho lang talaga.”

By choice, limited lang ang exposure ng TV host. “‘Pag may everyday show ako noon, ang feeling ko, nakikita na ako everyday sa TV from Monday to Saturday. Kaya ako, I do guestings lang. Hindi ko masyadong inatupag ang magkaroon ng ibang show.”

Ang pinakatumatak sa televiewers kay Toni ay ang pagiging mali-mali nito. In fairness, cute naman ang bloopers niya sa TV.

“Ganoon talaga ako. What you see is what you get. Sabi nga ng nanay ko, kasi gusto kong magdoktor, sabi niya, “Ay naku, anak, huwag. Baka mamaya magpaaanak ka, ilabas mo sa puwet.

“Mga mali-mali ‘yong pangalan na natatawag ko. Noong una, Tiya Panis and then naging Tiya Patis. Hindi ka na makaka-make-up doon pagkatapos. Siyempre, magso-sorry ka. Si Eula Valdez nga, Yani de Vera ang natawag ko. Tapos, ang susunod no’n, sabi ni Eula sa akin, sa sobrang nerbiyos ko raw na matama ‘yong pangalan niya, na-introduce ko siya as Luya Valdez. Ha! Ha! Ha! Basta, naalala ko noon, hindi ko maintindihan ang penmanship. Basta, tatlo sila…. And now, Red… hindi ko mabasa, lahat sila nakaganyan… takbo na lang ako. Hindi ko ma-pronounce ‘yong Sternberg, nahiya ako. Si Chuckie Dreyfuss, ang basa ko naman, Chuchie. Sabi ko sa kanya, “alam mo, Chuchie….”

Pero, hindi rito nagtatapos ang “kagagahan” ni Toni.

“May production number kami. Buti na lang taping kami. Eh, masikip ‘yong suot ko. Ang kasama ko si Ruby. To make the long story short, sayaw ako nang sayaw, biglang napatid ‘yong strap. As in kita ‘yong utong ko. Sigaw sila nang sigaw, ‘Toni! Toni!’ Buti taping ‘yon. Tinatakpan ako ni Ruby. Isa ‘yon sa mga unforgettable. Buti na lang nakakapitan ko ang boobs ni Ruby. Marami nang na-save ang boobs niyan.”

Sa tingin ni Toni, unbeatable ang Eat… Bulaga! as a noontime show. “Wala pa akong nakitang noontime show na ganoon. Pang-Guiness yata ito. Unbeatable pa rin talaga siya through the years.”

After 30 years, saan papunta ang Eat… Bulaga!?

“One thing’s for sure, ang Eat… Bulaga! ay hindi na mabubura sa isipan ng mga tao kasi Pambansang Noontime Show ng Pilipinas talaga. Thirty years from now, as the Lord has blessed, talagang blessed na blessed ang show na ito. We’re blessed to have ganitong bosses that we worked for. Ako, I’m blessed to work with Tito, Vic and Joey na hinahangaan mo lang sa TV noon and then kasama mo na at naging parang part talaga ng pamilya mo. I’m blessed also with my other co-hosts.”

Ang biggest achievement ng show ay ang walang humpay nitong pagbibigay ng saya sa televiwers.

“’Pag sinabi mong Eat… Bulaga!, ‘yong talagang napapangiti ang tao. Malaki ang naitulong niyan. Maraming  naitulong financially. Maraming na-open na oportunidad. Maraming napasikat ang EB. Makikita mo talaga na it’s a show with the heart.”

Taas-kamay nga si Toni kina Tito, Vic and Joey.

“Wala akong masasabi talaga. Not only do they have my highest respect but talagang I’m very blessed na nakilala ko sina Tito, Vic and Joey as persons, hindi lang ‘yung as superstars. To sum it all up, I’m blessed.”

As a celebrity, Toni has defied the coming of age. She’s a classic beauty like her mom Rosa Rosal. What’s her secret?

“Kailangan talaga, you owe it to your viewers. Alam mo naman ang nanay ko, ‘pag tumaba ka, sasabihan ka niya, ‘Oy, mataba ka na.’ Ako naman, punta kaagad sa gym.” Dito na natapos ang masayang chikan namin ng nag-iisang Toni Rose Gayda.

By Alex Valentin Brosas

Previous articleHulicam: Iza Calzado’s New Boyfriend
Next articleHulicam: Mega Family sa Gary-Martin Concert

No posts to display