HANGGANG COVERAGE NG nakaraang national election ay nagpatalbugan ang ABS-CBN at GMA-7. High-tech ang labanan! Parang Star Wars ang presentation ng Kapuso with their hologram effect pa. Hindi naman nagpahuli ang Kapamilya na parang eksena sa Minority Report ang drama. Sumabay ang dalawang giant network sa kauna-unahang automated election sa bansa. Nakakaaliw panoorin.
At sino naman ang nanalo sa ratings game ng dalawang giant network? Sa TNS National TV rating, panalo ang ABS-CBN. Sa AGB Nielsen, Mega Manila, nanguna naman ang GMA-7. Pero ang talagang panalo d’yan, ang sambayanang Pinoy na nag-abang at tumutok sa komprehensibong pagre-report ng dalawang istasyon. Very informative na ang report ng ABS-CBN at GMA-7, highly entertaining pa.
NATAWA KAMI SA technical glitch ng isang report sa GMA-7. Tungkol ‘yon sa isang karahasan na naganap sa botohan. ‘Yung last word kasi ng reporter ay ‘suspek’, na biglang na-loop, kaya naging ‘suspek-pek-pek-pek…’
Humingi agad si Mel Tiangco ng paumanhin na halatang pigil na pigil din na matawa sa ‘pangit na pakinggang salita’, ‘ika niya.
Hmmm… hindi naman kaya sinadya ‘yon?
SEY NI KRIS Aquino during ng campaign period, ‘pag nanalo ang Kuya Noynoy niya sa eleksiyon ay mangingibang bansa na lang sila ng pamilya niya, at mananahimik na lang doon. Ngayong very obvious na si Noynoy na ang next president ng ‘Pinas – ang tanong ng sambayanan: totohanin naman kaya ‘yon ni Tetay? Baka tulad ni Willie Revillame na ‘outburst of emotion’ lang ang nasabi niya raw on-air sa Wowowee na tanggalin si Jobert Sucaldito kung hindi ay siya ang magre-resign, nabigla lang din si Kris kaya niya nasabi ‘yon. Kunsabagay, kasagasagan ng kaliwa’t kanang negative issue stemming from Kris ang inaabot nu’n ni Noynoy, kaya nga siguro nasambit ‘yon ni Kris.
USAPAN SA TUMPUKAN ng mga showbiz press, marami raw ‘yumaman’ sa mga katotong nakasama sa campaign sorties ni Sen. Manny Villar. Kesehodang magkandahilo-hilo silang magpalipat-lipat ng eroplano, at sumuong sa mainit na araw, the TF is worth it daw naman. Sadly, nabanggit din sa kuwentuhan, hindi naman lahat ng nasa entourage, loyal kay Manny V.
Tsk… tsk… trabaho lang, walang personalan.
BLIND ITEM. PA-TWEETUMS ANG IMAGE ng young actress. ‘Yun bang tipong hindi makabasag-pinggan. Pero may habit pala ito, biglang nawawala sa set ng ginagawa nilang project. At ‘pag ‘yun na ang eksena, isa lang ang utos lagi ng direktor. “Puntahan n’yo na ‘yan sa pad ni [name ng young actor], nandoon ‘yan at nagpalipas na naman ng oras,” ang madalas na litanya ni Direk.
Kaya naman kung anu-anong isyu ang ibinabato sa young actress, may bahid ng katotohanan pala. Kahit ask n’yo pa ang driver niya.
Bore Me
by Erik Borromeo