ISA SA matinding naapektuhan ng dinaranas na pandemic dahil sa covid-19 health crisis ay ang mental health. Marami rin ang nakakaranas ng tinatawang na quarantine fatigue.
Kahit ang singer-songwriter and registered nurse by profession na si Nick Vera Perez ay hindi nakaligtas sa ganitong experience.
“Mapapraning ka talaga kasi yung kausap mo na wala namang covid feeling mo meron. Paranoid talaga. Isa yan sa biggest challenge talaga,” ani Nick.
Matindi ring naapektuhan ng pandemic ang entertainment world.
“Of course, walang mga shows. Ang hirap ng mga live stages ngayon. Seven shows ko nga dito sa States ang na-cancell nung 2020 kasama na yung 16 dapat sa Metro Manila,” pahayag pa niya.
Nakausap namin si Nick sa pamamagitan ng live streaming app na Kumu. Isa ang pagla-live stream sa pinagkaabalahan ngayon ni Nick para ma-divert ang kanyang atensyon at manatiling malusog ang pag-iisip.
“Ang lakas ng prayers ko kasi. At saka lahat ng online events at live shows ko kasi lahat ay focus on positive thinking, self help and inspirational,” pagbabahagi ni Nick kung paano niya napapanatili ang kanyang sanity.
Dagdag pa ng tinaguriang Total International Entertainer, “I believe everything is in the mind. Pinakamahirap na kalaban is utak and then hindi mo rin naman pwedeng sabihin na kahit gaano ka ka-positive sa nangyayari, ako I’m a positive person, pero dumaan ako sa hindi naman depression kasi a depression is already a diagnosis.
“Dumaan ako sa mga araw na wala akong ganang mag-taping, kumanta, as in gusto ko lang humiga ako sa kama. Parang nawalan ako ng gana sa buhay. Then yung mga angels ko (NVP) lalo na si Olive, lagi akong sinasabihan na do not give up for us, mga ganon ba, na we need you.
“Ang daming mga messages na parang minsan oo nga ba’t ako palaging nagsasabi na I lift people up and then I cannot lift myself. Yon ang mga inspiration.”
Anyway, katatapos lang mag-record ni Nick ng mga kanta para sa kanyang dalawang album na NVP1.0: NVP 1s More at Christmas album na Our Christmas, The Most Wonderful Time of The Year!
And take note, Sa CRC legendary Sound studio kung saan nagre-record ang mga international singers na sina Michael Jackson, Lady Gaga, Rihanna, Boys Two Men, at iba pa siya nag-record.
“NVP 1.0 has 12 songs. Dito sa album puro mga love songs. Mixed ito ng English at Tagalog songs. Pero may inspirational songs din na bagay sa pinagdadaanan natin ngayong pandemic.
“Yung Christmas album ko naman, composed of 10 songs na apat dito ay revivals including I’ll Be Home For Christmas,” kuwento pa ni Nick.
Ang NVP 1.0: NVP 1s More ay iri-release sa late August to early September 2021. Ang Our Christmas, The Most Wondeful Time of The Year! ay iri-release naman sa first week ng December 2021.