SIPAT: NAGSAMPA na ng REKLAMO sa KORTE si WILLIE REVILLAME LABAN sa ABS-CBN.
EKLAT: ROUND 1… FIGHT!
SIPAT: P11.5-M ang HINIHINGING ‘COMPENSATION’ ni PAPI sa kanyang COMPLAINT.
EKLAT: ‘Yun ang PASUSUWELDO niya sa UMAKLAS sa KAPAMILYA at SUMANIB sa kanya?
SIPAT: ‘LIE’ ang LAHAT ng RUMEHISTRO sa LIE DETECTOR MACHINE nang ISALANG si LOVI POE sa ‘Don’t Lie To Me’ segment ni JOHN LAPUS sa ‘SHOWBIZ CENTRAL’.
EKLAT: PALPAK ang MACHINE! Owwss…?!
SIPAT: Teka, MAGSYOTA pa ba sina LOVI at RONALD SINGSON?
EKLAT: HINDI na raw, e. ‘MAGKATSOKARAN’ na lang?
SIPAT: MALABONG MAPALITAN ang APELYIDO ni BABY JAMES.
EKLAT: ‘Yung TATAY… MADALI.
SIPAT: Si PALOMA ang BAGONG ‘CRUSH’ ni HAYDEN KHO.
EKLAT: LIGHTS… ‘CAMERA’… ACTION!
SIPAT: ‘Kung SAAN siya MASAYA…’ sey daw ni VICKI BELO.
EKLAT: BASTA kay DOKTORA muna ang VIDEO, ha?
SIPAT: Uy, POLE DANCER pala itong si PALOMA!
EKLAT: KABUGIN niya kaya si MARICAR REYES… sa BELLY DANCING?!
SIPAT: NASAKTAN si POKWANG na GUSTO TALAGA siyang IPASIBAK ni WILLIE sa ‘WOWOWEE’.
EKLAT: MAS NASAKTAN si PAPI… may SHOW pa si POHKEY!
SIPAT: May WELCOME PARADE si VENUS RAJ PAGBALIK niya ng ‘PINAS!
EKLAT: Ang SWAT ang EESKORT sa kanya!
SIPAT: ‘MAASIM ang AMOY ni ACTOR-DANCER lalo na ‘pag PINAWISAN siya nang HUSTO,’ tsika ng MAHADERA. ‘NAPAPANSIN niya kaya na LUMALABAS ng DRESSING ROOM ang mga KASAMA niya ‘pag PUMASOK na siya?’
EKLAT: ‘HATAW naman kasi kung MAGSAYAW siya, kaya TODO PAWIS talaga siya,’ dugtong pa ng mahadera.
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service