SIYAM NA ARAW bago maghalalan noong 2007, ang kaha ng Pasay City Hall ay pinadugo ng P45 milyong piso bilang mobilization fund (kalahati ng 15%) para sa construction ng bagong Pasay City Hall na nakatakda sanang itayo sa reclamation area ng nasabing lungsod.
Dahil sa nasabing paglabas ng pera noong Mayo 4, 2007, sinampahan ni Mr. Rogelio Estrella (taxpayer) sina dating Pasay City acting Mayor Allan Panaligan, dating acting administrator Atty. Santiago Quial, dating OIC Treasurer Ofelia Oliva at ang presidente ng Young Builders Construction Corp. na si Gilbert Yu.
Ang P600M na halaga ng nasabing proyekto ay manggagaling sana sa Philippine Veterans Bank sa pamamagitan ng loan.
Ang nakapagtataka, parekoy, imbes na palagpasin ang election ban at hintayin ang loan sa bangko, aba eh, pera ng Pasay City government ang inilabas ng mga lintek na tumataginting na P45 milyong piso.
Kaya binabantayan natin, parekoy, ang kasong ito, dahil ilang taon munang pinatulog ng Ombudsman ang complaint ni Rogelio Estrella na isinampa noon pang Agosto 14, 2009.
Pagkatapos ay hindi na ngayon makita ni Estrella ang kanyang pangalan bilang original complainant, kundi isa nang Liwayway Sumang ang nakapirma.
Gaya ng sinabi natin, maliwanag ang paglabag sa batas dahil noong inilabas sa kaha ang pera noong Mayo 4, 2007, siyam na araw na lamang at maghahalalan na.
Ito, parekoy, ay paglabag sa Omnibus Election Code!
Pangalawa, ang nasabing pondo (P45M) ay kinuha sa pondo ng pamahalaang lungsod ng Pasay, samantalang maliwanag sa kontrata na ang kabuuang pondo na nagkakahalaga ng P600M ay manggagaling sa loan mula sa Philippine Veterans Bank.
Tungkol sa ulat na P2 mil-yong piso na hinihingi umano sa mga respondent ng ilang magnanakaw din sa Ombudsman ay ating lilinawin sa mga susunod na isyu.
INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303