KUNG SINA Markki Stroem, RK Bagatsing at Archie Alemania bravely took on gay roles in Slumber Party. Lalo na ang dating child wonder na si Niño Muhlach who plays a very unique role as gay mother who is a leader in the community. For the first time, now lang nag-portray ng beki ang actor.
“Nakagawa na rin ako ng pelikula na nagbihis-babae ako, pero hindi ‘yung from the start bakla na talaga ang role ko,” tugon niya.
Nang i-offer ni Direk Eman dela Cruz ang role kay Niño, agad-agad niya itong tinanggap.
“Exciting ‘yung character, gustung-gusto kong gawin ‘yung role talaga. First time ito, before kasi may movie ako, lalaki ako na nagba-bakla-baklaan ako. Dito pati ‘yung lingo ng mga bading, pinag-aralan ko. Ang hirap i-memorize ‘yung line, bading kasi ang words. Bago para sa akin, nag-okay agad ako kay Direk,” tsika ni Niño.
Pabiro ngang sinasabi ni Nino na naging peg niya sa pagiging beki ay ang kanyang Tita Nena (Amalia Fuentes) agad naman nitong binawi. “Wala akong peg, kung naging bading talaga ako, ganu’n talaga ang kalalabasan ko. Ang anak ko nga galit na galit sa akin nang umuwi ako galing shooting. Naka-make-up pa ako at nakapabihis-bading.”
Kahit pasundot-sundot lang ang paggawa ng pelikula ni Niño, continues naman ang kanyang mga movie project. “Hindi ko naman ninanais pang sumikat tulad noong bata pa ako. Naabot ko na ‘yung kasikatan ko noon, tapos na ako du’n. Basta ang importante, gusto ko ang ginagawa ko.”
Sa aming pag-uusap, buong pagmamalaking ibinida ni Niño ang kanyang anak na si Alonso Muhlach na hilig ring mag-artista. Nang humarap ito sa amin, carbon copy nga siya ng kanyang ama. Bibo, madaldal at super emote ang bagets sa harap ng mga photographers habang kinukunan silang mag-ama.
“Para kaming pinagbiyak na tabo. Para ngang nakikita ko ang sarili ko kanya nu’ng bata pa ako. Kung talagang gusto niyang mag-artista, hindi ko siya pipigilan. Susuportahan ko ang anak ko. Hindi naging pangit ang experience ko sa pag-aartista. ‘Yung iba kaya ayaw nila dahil may bad experience sila. Puwede kong muling buhayin ang movie outfit namin for him.
“May pina-plano na kami ni Direk Emman na movie project for my kid with Vice Ganda. Kung sakaling mag-artista na nga si Alonso, gusto kong gawing Niño Muhlach, Jr. ang screen name niya. Gusto ko mala-Tito Dolphy, ang “Ang Tatay Kong Nanay” ni Direk Lino Brocka. Nakausap ko na si Dingdong Dantes, siya ‘yung gaganap bilang Phillip Salvador, okay na,” kuwento ni Nino.
It’s another journey for Niño playing gay role. Para raw silang naglalaro lang sa set, masaya ang buong cast habang kinukunan ang bawat eksena. Kung hindi mo nga raw kilala sina Markki, RK at Archie pagkakamalan mong totoong beki ang mga ito. Kapag nag-emote na sa harap ng kamera, body language, pilantik ng mga kamay pati pananalita, talbog ang tunay na babae sa mga ito.
Another revelation for Niño ang Slumber Party. Sobrang pinabilib ng former child actor ang buong cast sa outstanding performance nito. ‘Ika nga, most memorable role ever.
HINDI AWKWARD si Gabby Concepcion nang gawin nila ni Cristine Reyes ang love scene sa pelikulang When Love is Gone ng Viva Films, ayon kay Direk Andoy Ranay. “Gabby is very open about it. Nu’ng start pa lang ng shooting namin sinabi ko na agad kay Gabby na may nine love scene siyang gagawin with Cristine. ‘Pakihanda na,’ sabi niya. ‘Bigyan mo lang ako ng heads-up, Direk, para ready naman akong magtanggal ng damit.’”
Ipinaliwanag ni Direk Andoy kung bakit nine times nag-love scene sina Gabby at Cristine. “Requirement ‘yun ng script. Nasa script naman ‘yun, lahat ng love scene based on script. ‘Yung flow ng kuwento at nu’ng character nila du’n nangyayari sa love scene. Nagsimula sa wild, sexy, naging tender hanggang maging passionate. Hanggang naging romantic na ‘yung love scene nila, ganu’n.”
Game na game nga raw si Gabby nang i-shoot nila ang love scene nito kay Cristine. “‘Yun ang pinaka-gusto ko sa kanya. ‘Yung respeto ko kay Gabby at ‘yung respeto niya sa co-actor niyang si Cristine. Hindi siya nag-take-advantage sa sitwasyon. Very professional siya, alam ang ginagawa niya.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield