HINDI RAW problema para ka’y Niño Muhlach kung maging alalay man siya ng kanyang anak na si Alonzo Muhlach na ngayon ay unti unti na ring gumagawa ng pangalan bilang child star.
Kuwento nga ni Niño, “Wala namang problema sa akin kung maging alalay ako ni Alonzo, kasi anak ko ‘yan. Tsaka kailangan ko siyang samahan kasi masyadong bata pa.
“Minsan nga ‘pag nasa mall kami, mas marami na ‘yung nagpapalitrato, bumabati, at nakakakilala sa kanya kaysa sa akin. Hahaha! Siya na ‘yung pinagkakaguluhan.”
Natural talent, hindi raw aral at natural daw ang talent na ipinapakita ni Alonzo.
“Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa kanya, siya ‘yun, hindi aral. Sa edad ni Alonzo (4 years) masyado pang bata, natural talaga ‘yung pagiging bibo niya at gusto niya ‘yung ginagawa niya. Siguro ‘yung tinuturo ko lang sa kanya, ‘yung pagpapalitrato sa mga fans. Kasi bata pa, tamad magpa-picture. Sinasabihan ko siya na maging mabait sa mga fans at kailangang maging humble,” pagtatapos ni Niño.
Shalala, birthday wish ang mabilis na paggaling ni Kuya Germs
NAGDIWANG NG kaarawan last January 21, 2015 ang host/actor/comedian na si Shalala, at isa nga sa wish nito ang mabilis na paggaling ng kanyang itinuturing na discover at kaibigan na si Mr. German “Kuya Germs” Moreno.
Tsika nga ni Shalala, “Siguro isa sa wish ko ang paggaling ng ating Kuya Germs. Mahal na mahal ko kasi ‘yang taong ‘yan. Kaya naluha talaga ako nang malaman kong nasa hospital siya at na-mild stroke.
“Tapos ‘yung isa ko pang wish, goodhealth sa akin at sa aking pamilya, and of course more projects para masaya,” nakangiting pagtatapos ng mahusay na komedyante.
Upgrade, pinakilig ang mga kababaihan sa Sta. Lucia East Grand Mall
NAGING MATAGUMPAY ang Coronation Night ng “Gay Queen 2015 ” na ginanap last January 24 sa Sta. Lucia East Grand Mall, kung saan nagsilbing espesyal na panauhin ang People’s Choice Award 2014 Boyband of The Year/Internet Sensation, ang grupong Upgrade, na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Mark Baracael, Ron Ivan Lat, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Raymond Tay, at Armond Bernas.
‘Di nga magkamayaw sa sobrang tilian ang mga taong naroon habang pinapanood ang kanilang fave boy band, at sa mga nag gagandahang kandidata ng “Gay Queen 2015”.
John’s Point
by John Fontanilla