MULING PINATUNAYAN sa sambayanan ni Vice Ganda na siya ay unkabogable with his third major concert titled I-Vice Ganda Mo Ko sa Araneta last May 17. Walang duda that he is one of the biggest and brightest stars in the country today.
Sinasabing almost 15,000 katao ang dumagsa sa Big Dome para saksihan ang kanyang much-awaited concert. Ito raw ang may highest number of Skycable’s Pay-Per-View subscriptions para sa isang concert at kinabog pa nito ang ilan sa mga pinakahuling boxing at concert events ng taon. Buong puwersang sinuportahan si Vice Ganda ng kanyang mga katrabaho, kapamilya, at malalapit na kaibigan.
Nayanig ang buong Araneta nang siya ay lumabas para sa kanyang pasabog na opening number. He explained, “Vice is a noun that means good vibes, happiness. I-Vice Ganda is a verb that means make me happy.”
During the concert, Vice Ganda breathed life into every character he portrayed onstage – as a politician, a beauty queen, and a bold star.
Nakisaya rin sa concert ang kanyang mga special guests na sina Daniel Padilla, Enrique Gil, Paulo Avelino, Regine Velasquez, Dawn Zulueta, at AiAi delas Alas. Sabi ni Regine, “I feel very proud. I’ve known Vice for a long time and I’m so happy for him that he’s very, very successful and yet he’s still the same.”
Dawn only had good words about the talk show host/comedian. “Vice, congratulations. It’s such an honor na ginawa mo akong isa sa mga guests mo rito at nakasama kita nang ganito. Nag-enjoy talaga ako na ako pa ang na-Vice Ganda mo.” Matatandaang it was Vice Ganda who coined the term “I-Dawn Zulueta Mo Ako” during an episode of his show Gandang Gabi Vice, kung saan guest sina Dawn at Richard Gomez. Ito ay patungkol sa pagbuhat ni Richard kay Dawn sa kanilang ‘di malilimutang eksena sa Hihintayin Kita sa Langit.
Pero sa bandang huli ay si Vice naman ang na-Vice Ganda nang sorpresang dumating ang kanyang nakatampuhang best friend na si Coco Martin. ‘Ika nga, all’s well that ends well. Kuwento niya sa The Buzz, “Nagkatampuhan kami at naging magkagalit talaga kami… kasi nag-inarte ako.” Nagsimula ang lahat when Coco turned down Vice Ganda’s request to guest on his show because of his hectic schedule.
Ilang araw bago ang kanyang concert ay gusto raw talaga niyang makipagbati kay Coco. Nang malaman niyang naospital ang aktor ay nag-text siya rito telling him to get well soon. Nag-text back daw agad si Coco. After the concert, Coco sent a text message to the comedian telling him na kahit hindi sila nagkaroon ng komunikasyon when he was hospitalized ay talagang pupunta siya sa Big Dome para mag-sorry.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda