No gigs for Direk Toto Natividad

NAKAPANGHIHINAYANG NAMAN ANG isang tulad ni Toto Natividad na awar-winning director, pero hindi agad nasundan ng project after Pieta ni Ryan Agoncillo. Nabalitang ang Bandidas ang susunod niyang project pero naudlot, bakit kaya?  “Hindi naman sa hindi matutuloy, may ibang plano ang ABS-CBN. Actually, hindi naman siya action, may kaunting action pero mas madrama ‘yung istorya niya. Siguro naghihintay lang sila ng timing para du’un sa proyekto,” intro ni Direk.

Kapag nagdi-direk ka ba sa ABS, project nila ang dini-direk mo? “Hindi, ‘yung dalawang project ko, ‘yung Panday, kinuha ako ni Ms. Malou Santos. Tapos ‘yung Palos, kinuha ako ni Deo Edrinal, pero itong Pieta, ako ang naghatag sa kanila. ‘Yung Bandidas, ako ang naghatag nu’n.”

Wala namang exlusive contract si Direk Toto sa ABS-CBN. P’wede ba siyang magdirek sa kabila? “Ang GMA-7, mayroon silang exclusive directors, so ‘yun ang priority nila.”

May pelikulang gagawin si DirekToto with  Carlo Caparas. “First time kong gagawin na co-director ako kay Direk Carlo. Hindi ko pa alam kung ano ang plano niya. Nagkausap kami, ibibigay niya ‘yung script para sa project namin. Manny Pacquiao, Jake Cuenca and Joel Torre, tatlong episode, produced by Donna Villa. Siyempre, the great Carlo J. Caparas na ‘yan kaya puwede kang sumuporta.”

Ayon kay Direk Toto, baka pang-Manila Film Festival ang pelikula. “Baka… ang feeling ko gusto ng mga politician, masaya ang Paskong ito para sa preperation sa eleksiyon. Siguro maglalabas sila ng maraming pera. Hahaha! ‘Yung Panday preperation yata ni Sen. Bong Revilla for Vice-President. Partner yata siya ni Sec. Gilbert Teodoro. Galing sa America ‘yang balita.”

Kilala si Direk Toto sa mga pelikulang aksiyon, puwede kaya siyang gumawa ng straight drama? “Hindi ko naman puwedeng palitan ang pangalan ko, gawin kong Tito. Hahaha! Sayang naman ‘yung pinagpaguran ko, naging Toto Natividad ako. Kapag mayroon kang script at mahusay na artista, mas madaling gawin ‘yun. Mahirap gumawa ng action film, pinakamahirap gawin ‘yun. Kasi, ‘yung isang sequence mo, multiple set-up ka. Kapag drama ka, maganda ang script mo mahusay ang artista mo, okey ka na, home run ka na. May nagawa na rin naman akong straight drama, ‘yung kay Romnick Sarmienta, crime of passion. Malakas ‘yun, binigyan ako ng bonus ni Robbie Tan.

Exciting ang pagsasama nina Direk Toto at Carlo J. sa iisang pelikula. “Kumbinasyon kami ni Direk Carlo, isang magaling na director at writer, isang magaling na director at editor.”

Para kay Direk Toto, sino sa mga artistang babae ang gusto niyang makapareha ng tatlong lead stars?  “Kristine Hermosa para kay Pacman, Cristine Reyes para kay Jake, at Joel naman, si Jodi Sta. Maria.”

Anong klaseng pelikula ang ibibigay mo kay Pacman kung ikaw ang director? “Kung gagawa ng pelikula si Manny dapat international, kasi international celebrity siya. Para kapag nakipaglaban siya, dala niya ‘yung pelikula niya. Hindi ako gagawa sa kanya na nagda-drama-drama siya pero more on comedy. Puwede rin siyang mag-drama pero bisaya rin siya.

“Mayroon kasi akong project na Ang Paglalakbay ni Juan, seryosong pelikula ito. Ito ‘yung isang bisaya na nagpunta sa Saudi na naipit sa giyera. Inalis niya ‘yung pamilya niya, nagpunta sa Maynila. Not knowing na mas magulo sa Maynila, ‘yun ang conflict ng istorya. May social relevance itong pelikulang ito. Ito kasi kapag ginawa. hindi ito pang-local, pang-international. Puwede itong ibenta sa America, Manny Pacquiao ito, eh.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleRyan Agoncillo, ander de saya?!
Next articleRubyrose Barrameda-Jimenez’ body, to be confirmed

No posts to display