+63929418xxxx – Musta po, Sir Raffy! Isa po akong concerned citizen. Nais ko lang po i-report sa inyo ang isang ospital dito sa Concepcion, Marikina, St. Vincent General Hospital. Ayaw palabasin ang isang pasyente na gusto nang umuwi dahil sa kakulangan ng pera. P1,000 na lang po ang kulang nila ngunit, dahil sa hindi nila mabayaran, pataas nang pataas ang babayaran nila sa araw-araw na paglagi roon. Dapat daw po sana ay makakalabas na siya, pero dahil may kulang pa siya, pina-hold po ng ospital. Sana po ay matulungan ninyo ang kawawang pasyente na ito. Salamat po sa mabuti ninyong puso!
+63929749xxxx – Hi, Idol! Nais ko pong ilapit sa inyo, sampu ng mga kasamahan kong magulang na may mga anak na nag-aaral sa Karangalan Elementary School. Ang Grade 1 po, under kina Ms. Golla, Mrs. Salvador at Mrs. San Luis, ay naniningil ng P200 pampagawa raw po ng comfort room. Ang Grade 2 naman po, under kay Mrs. Pamplona, ay naniningil ng P100 para raw po sa TV at DVD player. At ang Grade 3 naman, under Mrs. Tessa, ay naniningil din ng P100 pambili raw ng microphone. Ang principal ng nasabing eskuwelahan ay si Ms. Cafastramo. Sana po ay mabigyan ng pansin ang aming hinaing. Maraming salamat po!
+63905314xxxx – Good day po, Sir Raffy! Gusto ko lang pong ireklamo ‘yung mga enforcer, pulis at tanod sa Sta. Ana, doon sa lugar ng Lambingan Bridge, kasi wala po silang ginagawa sa trapik. Kawawa naman po ‘yung mga pasyente na emergency papunta sa ospital ng Sta. Ana at Lourdes Hospital kasi po ‘yung mga jeep na biyaheng Sta. Ana, papuntang Quiapo at Boni, du’n po naka-park at nagsasakay sa gitna. Hindi po nila hinuhuli. At ‘yung mga barker po, sila ‘yung mga siga roon kaya masyadong grabe ang trapik sa Lambingan Bridge. Sana po ay maaksyunan ninyo po ito. Salamat po!
+63912312xxxx – Magandang araw po, Boss Raffy! Gusto ko lang pong ireklamo ang Blue Beret Security Agency, Inc., na matatagpuan sa San Pedro, Laguna. Napakababa po ng pasahod at bukod doon, 2-3 days delayed palagi ang pasahod nila. Isa po ako sa kanilang mga guwardya na nagnanais nang maayos na pasahod. P7,000 per month lang po ang sahod ko, 12 hrs. kada araw at wala pang day-off. Sana po ay makalampag ninyo ang agency na ito at maitama ang kanilang pagpapasahod sa aming mga guwardiya. Mabuhay po kayo!
+63921838xxxx – Good day po, Idol Raffy! Puwede po ba humingi ng tulong dito po sa San Isidro St., Metroville Subd., Imelda Ave., Cainta, Rizal. Palagi po kasing baha. Kahit konting ulan lang, ‘di po talaga nawawalan ng tubig-baha. Madami na po kasi ang nadisgrasya na motor at ‘di makadaan ang mga tao. 5 years na rin po itong problemang ito. Kayo na lang po ang natitira na-
ming pag-asa at sana matulungan ninyo ang aming lugar. Salamat po ng marami, Sir!
Ang inyong lingkod ay sabay na mapapakinggan sa teleradyong programang WANTED SA RADYO sa 92.3 NewsFM, Radyo5 at mapapanood sa AksyonTV Channel 41, 2:00-4:00pm, Lunes hanggang Biyernes. Para po sa inyong sumbong o reklamo, maaari po kayong magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City, 8:00am-4:00pm, Lunes hanggang Biyernes.
Shooting Range
Raffy Tulfo