MABUTI NA LAMANG at napakalapit sa Manila ng Amana Water Park sa Pandi Bulacan. Ibang klaseng experience ang nangyari noong Huwebes at Biyernes Santo sa amin dahil nagmistula kaming mga receptionist at tour guide sa nasabing resort na pag-aari ng kaibigan naming si Enrico Roque.
Kahit papaano, madali kaming nakakauwi sa Manila para sa mga anik-anik na bagay, including showbiz items na tila hindi naging uso sa siyudad for those days.
Nag-iba na nga ang selebrasyon at okasyon ng Semana Santa. In fairness, mas marami kaming kakilala at kaibigan na nag-stay na lang sa mga bahay nila. Hindi rin naman halos nawala ang TV na siyang naging pangunahing libangan at source ng info ng mga tao.
Kahit nga ang mga ihinanda naming mga all-time favorite DVD tapes namin, ‘di namin nagawang panoorin dahil parang ang bilis nga ng okasyon.
NABALITAAN NAMIN ANG mga gulong nangyari sa Boracay. Natawa na lang kami dahil hindi naman talaga sila matatawag na showbiz personalities pero dahil sa kawalan ng tsismis, hala ibalita na lang. ‘Yung sa Sexbomb lang ang medyo naka-relate kami dahil kilala sila. ‘Yung beauty queen na nasampal at ‘yung hunk model na nang-agaw ng baril, talagang super-refresh pa kami ng memory namin sa identities nila.
Nalungkot din kami sa trahedya-balitang nasunog ang bahay ni Chokoleit sa Davao at masaklap pang kasamang natupok ang kanyang mahal na nanay na hindi nagawang makalabas sa nasusunog nitong kuwarto. Nakikiramay kami sa iyo kapatid na Chokey. Alam namin kung gaano mo kamahal ang iyong ina.
Dito sa Manila, tahimik ang showbiz world. May celebrity couple kaming nakasabay kumain sa isang resto diyan sa Timog, habang nakita naman namin sa isang adoration chapel ang isang direktor at napapabalita nitong jowang dancer.
Back to work ang lahat sa atin at asahan nating normal na namang iikot ang mundo sa ating lahat. Happy Easter po!
MAY MGA CELEBRITIES tayong sa abroad nag-celebrate ng kanilang Semana Santa.
Kagaya ni Pokwang na nasa Canada at sa April 22 pa ang balik, tsinika niyang “working Holy Week” ang nakasanayan na niyang pamamanata dati. “Pero kapatid, araw-araw naman akong nagdarasal. Bring ko nga ang iba’t-ibang rosaries ko para feel ko rin ang Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay,” kuwento nito sa amin bago umalis, sabay sabing ang pinaka-frustration niya talaga noong bata siya ay ibitin siya bilang ‘anghel’ sa tradisyonal na ‘Salubong’ sa Araw ng Pagkabuhay.
TRABAHO RIN PARA kay John Lloyd Cruz ang Kuwaresma.
Pagkatapos nga ng mga commitments niya rito, lumipad naman siya sa USA para sa Hearttrhobs concert.
Ngayon, dumiretso na siya sa New York para sa halos isang buwan niyang shooting para sa In My Life movie nila nina Gov. Vilma Santos at Luis Manzano. Todo-emote na nga ang kaibigan namin sa naiiba niyang role bilang ‘lover’ ni Luis. In fact, ilang araw rin silang nag-workshop sa Star Cinema bilang paghahanda.
Of course, naroroon siyempre ang pamilya nina Gov. Vi sa New York. Lahat ay isinama na niya including son Christian at asawang si NEDA Director Ralph Recto. Bihira nga naman ang naturang pagkakataon para sa kanila.
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus