Julie Ka!
by Julie Bonifacio
TUHUG-TUHOG ANG APPEARANCE ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa mga shows ng ABS-CBN last Tuesday. Earlier in the afternoon, may one-on-one interview siya kay Boy Abunda para sa Cinema One kung saan nagkaroon ng question and answer ang Diamond Star at ang mga estudyante mula sa isang unibersidad.
After ng interbyu niya with Kuya Boy for Cinema One, segue na siya para maglaro kasama ang kanyang manager na si Wyngard Tracy sa Kapamilya Deal or No Deal.
“Kanina pa ako nagtatrabaho, parang bilasa na ako ‘ata,” emote ni Marya.
Sabi namin kay Maria, in fairness to her, mukhang fresh na fresh pa rin naman siya. Kase-celebrate lang ni Maricel ng kanyang kaarawan last February 25 at kahit 40 plus na siya, she looks ten years younger. Ayaw sabihin ni Maricel kung saan siya nag-celebrate ng kanyang birthday which is very her. Pero dahil resourceful kami, nalaman namin na nagpunta siya sa Hongkong.
Nag-uumpisa nang mag-promote si Maricel para sa movie niya sa Star Cinema under the direction of Chito Roño, ang T2 na ipalalabas na on April 11 (Black Saturday). After ng T2, saka naman ipalalabas ang horror-serye ni Maricel sa ABS-CBN, ang Florinda.
“Nadala ako,” pagbubulgar ni Marya. “Gusto ko ‘yung ginawa ko. Gusto ko ‘yung mga katrabaho ko. ‘Yung sistema ang sinasabi ko. Parang… hindi parang, sure ako. Hindi tama ang sistema. Nakakaintindi ako dahil nag-produce din ako for a long time. For ten years, nag-produce ako. Naiintindihan ko ‘yung budget, pero huwag na lang tayong gumawa ng ganito kung hindi natin maibibigay, ‘di ba?
“Kasi ang pakiramdam ko hindi natin madya-justify ’yung pakiramdam o ‘yung pagiging artista ng isang artista kung paano mo maide-deliver ‘yung dapat mong i-deliver. E, nandito na ang eyebugs ko (sabay turo niya sa bandang ibaba ng kanyang kaliwang pisngi.) That’s the truth,” lahad ni Marya.
Sa kabila nito, hindi naman nangangahulugan na ayaw na niyang gumawa ng teleserye.
“Hindi naman. Kung minsan may pagkakataong hindi kailangang beautiful ka, kasi ‘yun ang hinihingi ng role. So, ibibigay natin ‘yun. Pero wala ka na ring mahugot at maibigay dahil sa pagod at sa puyat. Hindi na ‘yan makatarungan. Ayusin natin ‘yan, ha?” Babala pa ni Marya.
MAY MGA KUMUWESTIYON sa istorya ng babaeng grasa na ginampanan ni Angel Locsin sa Maalaala Mo Kaya? last Saturday. Hindi raw kasi kapani-paniwala na sinapit ng isang honor student from UP ang mag-GRO at pagkatapos ay nabaliw.
Pero mabilis na nagbigay agad ng kanilang side ang ABS-CBN tungkol dito at ayon sa kanila, true story raw ‘yun. Kaya totoong naganap sa isang babaeng taga-UP ang trahedyang sinapit niya. Napanood din naming ang episode na ‘yun ni Angel sa MMK at na-established namang mabuti sa sa mga naunang eksena kung ano ang mga dahilan ng sinapit ng character na ginampanan ng young actress.
This only goes to show na talagang marami ang nanonood ng MMK episode ni Angel last Saturday. In fact, nakakuha ito ng 37.7 ratings sa Nutam TNS. This is so far the highest rating na nakuha ng MMK this year.
Ngayong Sabado, sasapol na naman sa damdamin ng mga manonood ang kuwento ng mag-asawa na gagampan nina Noel Trinidad at Nova Villa sa programa ni Ms. Charo Santos-Concio. Tiyak na pipitik na naman sa puso ang lifestory ng isang simpleng mag-asawa na magkatulong na pinalaki at binuhay ang kanilang mga anak.