SINO NGA ba si Krista MIller bago ito naging artista? Minsan sa trabahong ito pag pinasok mo, ‘di mawawala ang gusot, mga isyu, minsan masakit, masaya, nakakakaba, nakakatapak, minsan ay ‘di maiwasan na puwede kang laitin lalo ‘pag may mga fans ng magkabilang party.
Halos pulbusin ka sa panglalait at paghuhusga habang sila ay nagbabatuhan ng mga maaanghang na salita. Kung padadala ka rito maaaring isang araw ay magiging magulo ang buhay mo.
Maaari mo na ring hindi harapin ang kasalukuyan mga isyu. Ngunit alalahanin natin, ang showbiz ay isang business, walang personalan maliban kung perpersonalin mo itong masyado, ikaw ay magdaramdam at maaapektuhan ang iyong pagkatao. Ngunit sa isang banda, maaari ka ring makasakit o makaapak. Ngunit ang artista ay artista, gumagalaw ito sa sirkulo bilang isang alagad ng sining.
Nabitin ba kayo mga kaparazzi sa naging tanong ko sa kontrobersyal na actress? Ito na ang sagot sa nauna nating inilabas na kuwento rito sa Pinoy Parazzi.
Na-issue ka kay Cesar Montano. Eh, ano ‘yung sabi n’ya noong nagkontrobersya sa gano’n?
“Kasi noong nandoon kami sa isyu, nagpaka-propesyonal s’ya. Professional din ako at hindi para sa oras ng trabaho pag-uusapan n’yo ‘yun. Ako bilang may respeto lang din kay Direk, inaantay ko s’yang siya ang kumausap sa akin. Hinayaan ko s’ya pero hindi naman nangyari kaya walang gano’ng pag-uusap. Kumbaga, dumarating lang ang story through my RM (road manager), pero hindi galing sa akin.”
Dumating ba na nakumpronta ka rin ni Sunshine? “No! By Instagram, Twitter lang. Nabasa ko ‘yung e-mail n’ya sa akin eh, late na. Kaya hindi ko na nireplayan. Pero ‘yung pinadalhan n’ya ako ng text, kinausap n’ya ako, walang ganu’ng pangyayari.”
Ah, siguro maaaring sabihin ng tao, ‘yan si Krista, ganyan, ganito, gumagawa palihim, may mga ganyan kasi hindi mawawala ‘yun? “Hindi mawawala ‘yun. Ang kinatutuwa ko lang ngayon, at least unti-unti nang namamatay.”
Pero sa ‘yo parang trabaho lang naman? “Oo, trabaho lang. Wala akong iniisip ngayon, kasi ang pinaka-goal ko lang naman eh, matupad ko iyong mga pangarap ko. Kung ngayon hindi pa ‘yon, kasi gusto ko sikat na sikat ako, dahil sa talento ko.”
Ilang taon na simulang nag-rise ‘yung pangalan mo? This year pa lang? “Oo mga January February.”
Kumusta ‘yung trabaho mo, may mga naipon ka na rin?
Oo, naman, hindi naman ako breadwinner sa amin, eh. Sinasabi nila breadwinner daw ako, hindi totoo ‘yun. Ang tatay ko, kasi may mga pampasada kami, parang business, parang spoiled ako dati kasi only girl ako.”
Parang may diskarte ka sa sarili mo? “Ah, kasi noon nagkaka-raket ako, nakaka-join ako ng pageant, kahit talo ka, alam mo ‘yan, raket ‘yan. Kasi ‘yung iba kapag nanalo ka bente, ‘pag natalo ka may five thousand ka. May pandagdag ka. Nag-iipon naman ako.”
Dagdag pa niya ang apat na mga kapatid niyang lalaki, andu’n sa kanya at palaging nagpapasaya sa kanya. Lalo na parang tibo-tibo siya at ang mga kaibigan ng kanyang mga kapatid na lalaki ay kanya rin itong mga kabarkada at parang mga kapatid na niya ito.
Talagang gusto niyang makilala siya bilang isang mahusay na artista. Kahit anong role ay tatangapin niya, kung iyon daw ang susi upang makilala ang kanyang galing sa pag-arte. “True. Ako kasi, aside from acting, nagsusulat din ako ng stories at nagdi-direct din ako noong college ako. Pagdating sa directing, medyo bibo ako pagdating d’yan.”
Bukod sa pagiging artista at model, sino si Krista Miller? “Masayahin, makulit na kahit magmukhang ewan na tulad ng iba na hindi iniisip ‘yung pagiging maganda nila at saka sobrang mabilis din akong maawa.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail. [email protected] / maestrorobiapinoy [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia