PAPANO NGA ba natin huhusgahan ang isang tao? ‘Ika nga huwag lamang daw sa pabalat o titulo ng aklat; kundi sa nilalaman nito.
Tanging si Krista Miller lamang ang nakaaalam kung ano nga talaga ang tunay na mga pangyayari at kung dapat niyang aminin kung totoo man o hindi ang kanyang kinasasangkutan kontrobersiya sa actor-director na si Cesar Montano.
Ayon kay Krista, she feels so blessed dahil maraming nangyari sa kanyang maganda, maraming naging offer na mga endorsement at katulad na lamang ng Red Magazine. Dadag pa niya naging instrument ang nangyari sa kanyang kontrobersiya dahil dito ay naging strong siya. Para sa kanya ay kahit ano pa ang paningin sa kanya ng mga tao, ang importante ay naka-focus siya sa kanyang trabaho. Dine-dedma na lang daw niya ito. Kung ano man daw ang first impression nila sa kanya, hindi ito nagtatapos doon at hindi maaaring tuldukan ito.
Maraming luha na raw ang naubos sa kanya. Dahil dito, tumigas na ang kanyang loob. Ganoon pa man, dagdag pa niya, sobra siyang binulabog ng bashers niya sa Twitter at Instagram. Pero hindi naman daw lahat ay negatibo, kundi may nagwi-wish pang maganda para sa kanya. Maalalang lalong napag-usapan siya sa Boracay Bodies.
Noong nagkaroon ka ng issue kay Cesar nagkaroon ka rin ba ng depression? “Oo naman, nahihirapan ako pero kinaya ko, eh. ‘Pag nakita nila ‘yung Instagram ko, sobra talaga.”
Meron ding nagtatanggol sa ‘yo siyempre? “Meron din. Ang sobrang ikinatutuwa ko, kahit ‘di ko sila kilala, iba ‘yung pagtatanggol nila sakin.”
May mga tao rin kasing hindi natin hawak ang isip. “Oo, totoo ‘yon, kasi ako dumating ako sa point na nasa kuwarto lang ako, iyak lang ako nang iyak. Tapos tinanong sa akin ng mom ko, ‘bakit nasa kuwarto ka umiiyak ka?’ Sabi ko, hindi ko na kaya.”
Siyempre tao ka lang. “Sobrang sakit talaga parang susunugin ka na nang buhay.”
Ah, parang kung pagkain ka lang, niluto ka na? “Oo, ‘yung parang sa harapan mo talaga. Ang sabi ko na lang sa sarili ko eh, pinangarap ko ito, eh. Maliit pa lang ako, pinangarap ko na ito, bakit ko ibibigay ang lahat nang ito? Ini-expect ko naman na may mangyayaring ganito, pero ‘di ko naman ini-expect na ganito ‘yung ibabato agad sa akin. Parang nangyari yata eh, parang kalahati na yata ng Pilipinas eh, galit sa ‘yo.”
Pero talagang lumaban ako, talagang nakipagsapalaran ako kahit minsan nararamdaman mo, nakatingin ‘yung mga tao sa iyo na parang hinuhubaran ka. Pero ‘pag ganu’n, hinga lang talaga ako, hingi lang talaga ako ng guide kay God. Maya-maya, nawawala na ‘yung galit ko.”
Pero noong nandoon ka sa stage na ‘yun, pinag-aaralan mo ba ‘yung development ng paano ka sasagot at kung ano ang paningin sa ‘yo pinaghahandaan mo na? Pinag-aaralan mo na ‘yun? “Ako, kumbaga hindi ako iniwan ni God. Hindi niya ako pinabayaan, alam mo ‘yun. Sa dami ng mga pinagsasabi nila sa ‘yo, papatol at papatol ka talaga. Pero hindi niya ako hinayaang sumagot nang masama.”
Pero alam mo ‘pag hindi ka papatol, lalabas doon parang edukado ka, huh? “‘Yung iba nga, sinasabi parang iniiba ko ‘yung sarili ko. Ang sabi ko nga bakit? Wala naman akong ginagawang masama. Ako sa akin, ‘wag n’yo lang gagalawin ‘yung pamilya ko. Ayun nga, tinira nila yung pamilya ko.”
Pero that time si Cesar was your director? “Oo”.
Eh, ano ‘yung sabi n’ya noong nagkakontrobersya ng gano’n?
Abangan natin sa susunod ang kanyang sagot.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected] / [email protected]; cp # 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia