Nokia Phablets? Naman!

PAGDATING SA tablets at phablets o phone tablets, sinasabi na Samsung at Apple lang ang mahigpit na magkatunggali. Aba! Noon siguro, oo. Pero kung ngayon iyan pag-uusapan, nagkakamali kayo diyan dahil hindi na rin pahuhuli ang Nokia. Kamakailan lamang, sa Nokia World Show sa Abu Dhabi, inilabas na nito ang pinakabago at pinakauna nilang phablets at tablets. Ito ay ang Lumia phablets na 1520 at 1320 at tablet na Lumia 2520.

 

Nokia Lumia 2520 tablet

Ang bagong tablet ng Nokia ay may pinagmamalaki na 10.1 inch Clear Black LCD display screen na may resolution na Full HD 1920 x 1080. Idagdag mo pa diyan ang touch screen technology nila. Puwedeng-puwede ka pang mag-multi-tasking na kahit maraming windows at apps ang open, kayang-kaya dahil sa processor nitong tinatawag na Qualcomm Snapdragon 800 Quad-core 2.2 GHz. Ito rin ay may 2GB na RAM at 32GB na internal flash storage at micro SD Card slot. Mayroon din itong Qualcomm’s Snapdragon quad-core processor. Tingnan ko lang kung hindi pa kayo gumanda at pumogi sa 20 MP PureView camera nito na may dual LED flash management pa! Ang kakaiba pa sa Nokia Lumia 2520 tablet na ito ay mayroon itong personalized Windows na RT 8.1.

Kung battery life ng tablet ang pag-uusapan, makaaasa tayo sa Nokia! 25 na araw lang naman ang maximum standby time nito na may battery capacity na 8000 mAh. Puwedeng-puwede kayong mag-telebabad sa loob ng 20 oras! Correction, 3G pa! Kung nabo-bored naman kayo, mag-soundtrip all day all night! Dahil 95 na oras lang naman ang maximum music playback time niyan. Akala n’yo diyan na nagtatapos iyan? Siyempre hindi, mamangha pa kayo sa bilis ng LTE max data nito na may 150 mbps. Puwedeng mag-download all you can!

 

Nokia Lumia 1320 at 1520 phablets

Kung gusto n’yo naman ng phone at tablet in one, mag-Lumia 1320 o 1520 ka na! Ang Lumia 1320 ay mayroong 6-inch display na tumatakbo sa dual-core processors. Dagdag mo pa ang 5 MP camera nito. Habang ang 1520 naman ay sa Windows Phone 8 naman na may built-in Microsoft Office lang. ‘Di ba, laptop lang ang peg!

Akalain mo nga naman, pahigpit na nang pahigpit ang kumpitensya sa mga ganitong uri ng teknolohiya. Pangitain din ito na napakabilis na ng innovation ngayon sa mundo. Parang kapag mayroon ka nang phablets o tablets man niyan, hawak mo na ang mundo sa iyong isang kamay. Gusto ko na yatang maniwala na wala nang imposible sa panahon ngayon.

Para sa inyong mga suhestyon o komento, maaaring mag-email sa [email protected] o mag-text sa 0908-8788536.

Usapang Bagets

By Ralph Tulfo

Previous articleDina Bonnevie, ayaw maikumpara kay Rosanna Roces
Next articleAktor na magaling sa ‘kabaklaan’, pinagmamadali ang fans na nagpapa-picture!

No posts to display