TUNGKOL SA PANINIWALA ng isang sikat na mentalist, ayon kay Nomer Lasala, “Ako I have my own way of saying that; to paraphrase it, ‘for those who believe, no explanation is necessary. For those who do not believe, I couldn’t carry them.”
Ito ang tahasang sinabi ng mentalist na si Nomer Lasala. Gayunman, ikinuwento niya sa akin na na-interview na rin siya ng National Geographic. Nagkita kami sa Fely J’s Restaurant sa Greenbelt 5. Inabutan ko siyang nakaupo na sa harapan ng mesa.
Bago kami nag-umpisa ay nagkumustahan kami at tinanong niya agad kung ano ang aking order. Maya-maya may inilabas na siyang isang singsing na may design na mata. Maaaring matatawag natin itong isang mentalist material. Marahil kung anuman iyon, tanging siya lang ang nakaaalam. Probably, it’s necessary para sa art of mentalism.
Kakaiba ba itong si Nomer sa karaniwan, ta-lented or artistic lang? Noong bata pa raw siya, napalapit niya mula sa ‘di kalayuang mesa ang kanyang lunchbox nang pinagmamadali ng ina papasok ng school. “That was my first time.”
Ngunit ayon sa kanya, ito ay napag-aaralan lamang. Sa aking reseach na ang isang bata ay sadyang may sariling daigdig ng pantasya. Nagagawa nilang paglaruan mula sa kanyang isip ang anumang mga bagay na inaakala niyang kaya niyang gawin. Tulad ng pagpapagalaw ng isang bagay o kaya ang isiping isa siyang ‘hero’ na napapanood sa telebisyon at mga nababasa kaya.
Ngunit para kay Nomer ito ay totoong nangyari sa kanya, ang mapagalaw niya ang isang bagay. May ipinanganak bang sadyang ganyang tao? O lahat ng tao meron ‘nun, kaya lang hindi lang na-discover or na-cultivate ang inner knowledge? “Opo lahat po tayo meron ‘nun. Lahat tayo, psychic tayo in our own ways.”
Ah… parang movement lang ba? Blink of an eye, or sa ears? Paano mo siya nahuhulaan? “Ah most of the time, I use my intuition. Kung ano ‘yung pakiramdam ko, ‘yun ang dapat kong isulat. That’s it. Minsan nakikita ko, minsan naririnig ko. Under ng menta-lism kasi, maraming field. ‘Yung pagpapagalaw; telekinesis ang tawag du’n. ‘Yung pagbasa ng isip, mind-reading, clairvoyancing. Minsan telepathy.”
Sabi ko sa kanya, gusto ko lang makita ‘yung performance niya, hindi para i-discriminate siya, kundi para ‘yung tanong ko sa sarili ko ay masagot. Hindi para maging destruction, kundi I respect first ‘yung knowledge niya. Kasi parte ‘yan ng arts, eh.
Ipinakita niya sa akin ang tatlong materials: dalawang kutsara – isang ubod ng tigas at isang karaniwan, table knife at isang tinidor. Inumpisahan niya ang exhibition gamit ang table knife. Upang makitang gumagalaw, kailangang ilagay ito sa gilid ng mesa. Maya-maya ay unti-unti nga itong gumalaw, hanggang sa malaglag ito at dinampot sa ilalim ng mesa mula sa pagkahulog. Nagpalakpakan ang mga nakikinig at nanonood sa aming konbersasyon habang nagsisikain.
Muli, ipinakita niya sa akin ang buong tinidor. Maya-maya lamang ay parang hipnotismo na pinagagalaw ang tinidor sa harapan mo na mabilis, na parang pinapagpag ito. Presto! Bumaluktot ang tinidor sa aking harapan pati ang iba pang daliri ng tinidor. Pinahawakan pa ito sa assistant ko; pinihit, pinilipit ang tinidor nang hindi nararamdaman ng may hawak. Makikita natin ito sa litrato dahil hiningi ko ang tinidor para gawing koleksyon at ebidensiya na rin.
“Ako I have hate videos sa Youtube, wala akong pakialam. Ang importante, may mga tao na nae-entertain sa ginagawa ko.”
Ang anumang bagay ay maaari nga nating pag-aralan ayon sa ating sariling paniniwala at kagustuhan. Kung ito ay ipakikita natin sa harapan ng mga tao, ito ay matatawag nga nating entertainment. Isa lamang ang masasabi ko, ito ang tinatawag na ‘The Magic of the Art of Mentalism’.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia