Pabalik-balik pala si Nonoy Zuniga sa US and Manila.
It’s all because he has a business. Hindi lang pala ang pagkanta ang inaatupag ni Nonoy when he’s in the country.
“I have a business also with Sylvia Cancio, a skin care clinic named Piel. It’s a Spanish word for skin. We’re running the business for two years now,” chika ni Nonoy sa amin during the relaunch ng Lucida-DS Glutathione Supplement. Ini-endorse ni Nonoy ang sister product ng Lucida.
Tapos si Nonoy ng Medicine, pero inamin niyang wala siyang specialization.
Sa kanilang Piel skin clinic ay natural ang approach nila sa kanilang treatment ng skin.
“We don’t do diseases of the skin. Ano lang kami, the most is acne. We treat acne with methods na walang injection, no antibiotics, natural way. I’m joining them this year as manager, doctor, and professor. She also owns kasi La Manille School of Esthetics and Wellness where I teach Human Anatomy and Physiology,” dagdag pa ng magaling na OPM singer.
Actually, back to the recording scene si Noynoy. Available na ang kanyang digital single, ang “Ikaw Na Lang” composed by a Cebuano composer Barney Borja sa Spotify and iTunes.
“It’s about being martir. Parang kahit na walang pag-asa ay umaasa ka pa rin, kasi mahal mo talaga siya. Filipinos are known for that. Kahit na ang dami-daming problema, mahal mo siya at hindi mo maiwan. ‘Yung iba naman, kahit na ayaw na sa iyo (ay sige ka pa rin),” say ni Noynoy about the song.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas