NOON PA, DUDA na ang isang premyadong aktres sa umano’y liver cirrhosis na nakuha pang ianunsiyo ng kanyang dating close friend, na isa ring aktres, in a TV interview several years ago.
That time, nasa kung anong ‘nursing home’ ang maysakit na aktres, tila nagmamakaawa ng tulong na ma-discharge doon at muling makapagtrabaho. Pero hindi affected ang dating kaibi-gan. Hindi man daw siya isang doktor, pero ang alam niya sa taong may ganoong uri ng sakit sa atay ay nasa peligro ang buhay.
Sa ngayon, nakikita pang manaka-nakang lumalabas sa TV ang ‘sick’ actress, pero nitong huli ay nawala siyang muli sa sirkulasyon. At ang dahilan: Lulong daw ito ngayon sa droga. Worse, ka-jamming din daw nito ang kanyang anak.
(Ronnie Carrasco)