MISMONG ANG SUPERSTAR na si Nora Aunor ang nagkumpirma na malapit-lapit na siyang bumalik ng Pilipinas, ayon na rin sa kapa-nayam namin sa radio program ni Kuya Germs sa DZBB 594 na Walang Siesta, last April 4.
Ayon kay Ate Guy, kung siya ang masusunod ay gustung-gusto na talaga nitong makauwi sa bansa para makita ang kanyang mga kapatid at anak. Miss na miss na raw nito ang kanyang pamilya rito sa Pilipinas, kaya naman daw maayos ang negosasyong ginagawa nila ni Kuya Germs sa ilang networks para pagbalik niya ay may proyektong nakalaan sa kanya ay ‘yun na daw ang hudyat na back to the business ulit ang Superstar.
Sa ngayon, ayaw pang magbigay ng exact update sa buwan at araw ng kanyang pagda-ting si Ate Guy, baka na naman daw ‘pag nagbigay siya ng detalye ng buwan at petsa ng kanyang pagdating sa bansa ay ‘di na naman siya matuloy at kung anu-ano na naman ang ‘di magandang masulat sa kanya. ‘Yun na… Kabog!
MARAMI ANG NAGTATANONG sa amin kung ano raw ang next show ng mahusay at de-kalidad na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez, dahil after ng Koreana ay tanging sa Tween Hearts na lang ito napapanood, kung saan ginagampanan nito ang ina ni Bea Binene.
Sanay raw kasi ang mga masugid nitong tagahanga na napapanood sa mga drama/ teleserye si Ibyang (tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan) sa panghapon o primetime, kaya naman daw nami-miss ng mga ito ang husay ni Ms. Sylvia sa pag-arte, mapa-kontrabida man o mabait na role.
Kung sa bagay, may point naman ang mga ito kahit ang inyong lingkod ay hangang-hanga sa galing sa pagganap ni Ms. Sylvia, everytime na mapapanood namin ito ay hindi namin maiwasang mapatulala at talaga namang mama-magnetize sa husay nitong umarte sa lahat ng kanyang show sa TV at maging sa pelikula.
AS EXPECTED, NAPUNO last Saturday ang P-Pop Explosion, ang kauna-unahang malaking kon-
syerto ng pinakasikat na boyband sa bansa, ang XLR8 kasama ang Pop Girls at RPM na ginanap sa Aliw Theater.
Pero among the 3 groups na nag-perform, umani ng pinakamalakas na hiyawan ang XLR8, kung saan sa solo numbers ng bawat miyembro ng sikat na boyband ay ang Justine Bieber number ni Arkin Del Rosario ang click na click sa mga manonood na sinundan naman ng Michael Jackson song ni Aj Muhlach at ang Japanese number ni Hideaki Torio.
Sa tagumpay ng 1st concert ng tatlong grupo, pinag-iisipan ng Viva Entertainment na baka gawing Philippine Tour ang nasabing concert para naman daw mabigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga ng mga ito sa iba’t ibang sulok ng bansa na mapanood at makita nang live ang Viva`s P-POP Group.
John’s Point
by John Fontanilla