OLA-CHIKKA! TALAGA namang excited na ang ating Star for All Seasons na si Vilma Santos na makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi pa makauuwi itong si Guy rito sa Pilipinas. Dahil ayon sa aking parazzi girl, nagkasakit siya at maging ang mga shows at project niya sa ibang bansa ay postponed na din.
Tsk, tsk, tsk! Sayang naman ang raket Guy, kaya kailangan mong magpagaling dahil pagbalik mo rito sa ‘Pinas, tiyak na bonggang-bonggang pakikipagsalapalaran ang mararanasan mo.
Bhuket? Paano ba naman ay hindi pa nakababalik dito si Guy ay kung anu-anong chikka na agad ang ibinabato sa kanya. Kaya naman sa pagbabalik niya, tiyak na pagbabalik din ng sagupaan ng mga Noranians at Vilmanians!
Hooray!! Taray, ‘di ba?! Paano ba naman daw itong si Guy nangakong hindi babalik dito sa ‘Pinas hangga’t hindi pa natatapos ang eleksiyon. Kaya naman ngayon kung sakaling bumalik siya agad dito, wala siyang isang salita. Naku, huh!
NAWINDANG NAMAN TALAGA ako sa eksena ng kampo nila Ruffa, itong mag-inang Annabelle Rama at Raymond Gutierrez dahil hanggang ngayon ay nagbi-bitter-bitter-an pa rin dahil wah talaga sa pagtanggap ng paghingi ng tawad nitong si Kris Aquino. Naku, huh!
Eh, ano’ng inaarte nilang mag-ina kung itong si Ruffa nga na nasaktan at talagang may karapatang magwala ay napatawad na si Kris, bakit sila hindi? Ay, naku madir ah! Masamang pangitain ‘yan. Tsk, tsk, tsk!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong nakalolokang baon ko na napag-alaman ko mula sa aking parazzi girl? Sino siya?
Sino itong award-winning actress na kumakabit sa T-bird… as in Tomboy? Ang kwento ay matagal nang may relasyon ang actress at T-bird kahit noong nabubuhay pa ang asawa ng actress. Uy… may clue na! Teka dahil ba may something in common itong actress at ang jowa niyang tomboy?
Dahil alam n’yo bang itong si T-bird na ito ay anak din ng award-winning actress? O, say n’yo?
Say ko? Bonggang-bongga sila! Palakpakan at dapat bigyan ng award. Bakit naman sa kapwa niya babae kumabit itong actress? Hmm… siguro may galit na ito sa mga kalalakihan.
Sino itong award-winning actress na kabit ng isang tomboy? It’s in the mole, ha-ha! Gets n’yo na? Kung hindi ay… bahala na kayo! Joke! ‘Yun na!
Para sa mas maiinit pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding