NAGING MALAKING ISSUE ang pagbabalik-‘Pinas ni Nora Aunor na ilang beses na nga bang naudlot? Hindi maipaliwanag ng kampo ni Ate Guy kung bakit hindi matuluy-tuloy ang kanyang pag-uwi. Nakausap namin si Jobert Sucaldito (personal PR ni Governor ER Ejercito) sa birthday party ni ‘Nay Cristy Fermin sa Zirkoh. Diretso nitong sinabing pumayag na ang Superstar na gawin ang pelikulang El Presidente, kapareha si Gov. ER Ejercito. Bale, si Suzette Ranillo ang nakikipag- nogotiate sa Superstar tungkol sa epic film na ididirek ni Tikoy Aguiluz.
Unang inalok kay Vilma Santos ang nasabing project na tinanggihan ng aktres dahil may movie pa siyang gaga-win sa Star Cinema. Kahit se-cond choice lang si Nora, hindi naging hadlang ito para tanggapin niya ang offer. Naniniwala kasi ang Superstar na muling magniningning ang kanyang showbiz career sa pelikulang ito kahit supporting lang siya ni Gov. ER.
Ayon kay Jobert, maayos ang naging pag-uusap nina Ate Guy at ni Suzette. Hindi naging problema ang talent fee na nagkakahalaga raw ng P8 million. “Sa promo pa lang gumagastos na ang mga producers ng mahigit sa P8 million. Ito nga, hindi pa nagsisimula ang shooting, pinag-uusapan na, libre na kami sa publicity. Lahat ay excited sa pagbabalik-pelikula ni Nora kaya wala kaming duda na kikita ito sa box-office.”
Nilinaw rin ni Jobert na wala silang kinalaman sa maling balita tungkol sa petsa ng pagdating ni Nora. “Hindi nga namin alam kung saan nanggaling ‘yung balita. Marami kasing nakikisasaw sa pagdating ni Ate Guy, kaya tuloy kung anu-anong tsika ang naglalabasan. Kahit ano pang sabihin nila laban sa Superstar, wala kaming pakialam. Pagdating niya rito, saka pa lang kami magpipirmahan ng kontrata. Sa naging pag-uusap nila, straight one week magsi-shooting si Ate Guy, free hotel accommodation malapit sa location. May service car at driver, hatid-sundo habang nagsi-shooting.”
‘Yung tsika na may solo film daw na gagawin sa inyo si Ate Guy, aside sa movie nila ni Gov. ER? “Hindi totoo ‘yan, walang ganu’n. One picture-contract lang ang pipirmahan sa amin ni Nora. Gusto sana niyang gumawa ng solo movie sa production namin pero wala naman kaming magandang project na nakahanda para sa kanya. Dito sa movie nila ni Governor kami naka-concentrate, kasi nga epic film.”
May tampo raw si German Moreno kay Suzette dahil hindi siya ang kinausap tungkol sa offer ninyong movie kay Ate Guy? “Matalik na magkaibigan sina Nora at Suzette, wala akong nakikitang masama kung nag-usap ang dalawa. Nagpapasalamat kami kay Suzette at napapayag niya na gawin itong pelikula namin. Siyempre, bago tinanggap ni Nora ang project, pinadala namin ang storyline, pati script ni Roy Iglesias, para mabasa niya. As of now, wala pang exact date ang pagda-ting ng Superstar dito sa atin, inaayos pa namin. For sure, hindi namin ito ililihim sa kanyang mga fans.”
Maugong din ang balitang nakikipag-negotiate na raw si Kuya Germs sa TV5 para kay Ate Guy for a teleserye sa Kapatid Network. Bale, si Kuya Germs daw ang tatayong manager nito habang nandito siya sa ‘Pinas. Hindi lang malinaw kung may blessing ito sa nag-iisang Superstar. Well, alamin na lang natin sa pagdating ni Ms. Nora Aunor. Ganu’n?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield