SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, mapapanood sa isang espesyal na TV show sina Superstar Ms. Nora Aunor, anak nitong si Lotlot de Leon, at apo nitong si Janine Gutierrez (anak ni Lotlot kay Ramon Christopher)!
Ito ay sa Karelasyon ng GMA 7, directed by the award-winning Adolfo Alix, Jr.
Ngayong Sabado, June 20 na nga ang taping nina Ate Guy, anak na si Balot at apong si Janine, ayon na rin sa pagkumpirma ng nagbabalik na manager ni La Aunor na si Kuya Boy Palma.
Kung tama ang narinig naming storyline, Ate Guy plays a “comfort woman” noong panahon ng Hapon, at ngayon, ang apo naman nitong si Janine ay may Hapon na boyfriend, kung kaya’t tutol ito sa relasyon ng apo sa Japanese BF nito.
Kung alam ninyo ang inyong sense of history noong Japanese occupation ng ating bansa, alam n’yo na kung ano ang ibig sabihin ng “comfort woman”.
Dinig namin ay si Janine ang pinaka-excited sa lahat, dahil first time nitong makakatrabaho ang kanyang Mama Guy (ito yata ang tawag ni Janine kay La Aunor).
Abangan na lamang natin kung kailan ang airing ng episode na ito, basta tuwing Sabado ito nang gabi sa Kapuso network.
Nakatapos din ng dalawang pelikula si Nora under Direk Adolf, ang Whistleblower (with November 2105 playdate), at Padre De Familia na produced by Coco Martin na super-wait na ang Noranians kung kelan ire-release commercially.
May gagawin din si Nora na dalawa pang bagong movies under Direk Adolf: Eskaparate, tungkol sa matandang prostitute sa Netherlands (doon ang shoot); at ang isa namang movie about Tasadays, kung saan buhok lamang ni Nora ang nakatakip sa kanyang mga dibdib!
As for Lotlot, happy rin ito at muli niyang makasasama ang ina sa Kabisera, isang family drama na nagsimulang mag-shooting noong June 17 sa Bustos, Bulacan.
SPEAKING OF Kabisera, wish namin ay makalusot ito sa Metro Manila Film Festival 2015, as the Magic 8 is officially announced this Saturday, June 20 sa isang resto sa Bonifacio Global City.
Ito lamang ang contemporary (family) drama among the submitted script entries, at siyempre pa, ang Nora Aunor factor na hindi lamang sa bansa kinikilala ang angking husay kundi sa iba’t ibang international film festivals, like ang most recent ay ang Cannes 2105, kung saan pinapurihan ng international critics ang pelikula niyang Taklub.
Kasama ni Nora sa Kabisera sina Ricky Davao, Lotlot de Leon, Luis Alandy, JC De Vera, Jason Abalos, RJ Agustin, Kiko Matos, Karl Medina, and Perla Bautista, among others; directed by Real Florido and Arturo “Boy” San Agustin.
Last Tuesday naman ay ginawaran si Nora ng Natatanging Gawad Urian lifetime achievement award. Muling mapanonood ang TV coverage ng 38th Gawad Urian ngayong Sabado, June 20, 7pm sa Cinema One. Ang bongga, well-researched ng tribute ng Urian kay Ate Guy rito!
Anyway, among the other submitted scripts sa MMFF 2015, sana ay makapasok din ang My Teacher, My Hero, isang youth oriented-musical-romance naman, topbilled by Jericho Rosales, Iza Calzado, Nikki Gil, and Darren Espanto, among others.
Ito lamang ang youth-oriented film na swak sa teeners at buong pamilya sa Kapaskuhan, at kung hindi kami nagkakamali, ilang taon nang walang musical movie. Look at Pitch Perfect 2, pumatok sa Pinoy audience in the movies.
Aside from the usual commercial comedies, sana ay mabalanse rin ng MMFF selection committee ang 8 entries. Hindi ‘yung mga “talamak” na walang kawawaang comedies na naman. Given na ang box-office appeal sa pagpili ng entries, pero sana ay pati na ang quality, ‘noh!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro