EXCLUSIVE CONTRACT STAR na ng TV5 ang Megastar na si Sharon Cuneta. Last Tuesday (Nov. 22), pumirma na ng kontrata ang actress/singer/TV host ng 5-year contract sa Kapatid TV network. Matagal nang usap-usapan ang paglipat ni Sharon sa TV5, pero nitong Martes lang ito nakumpirma.
Under development pa rin naman ang mga TV projects na nakalaan sa Megastar, ayon pa sa TV5 head of Creative and Entertainment Production na si Perci Intalan.
Sa March 2012 na rin daw sisimulan ang pelikulang muling pagsasamahan nina Sharon at Gabby Concepcion. Isang daily show at isang reality-based show ang inihahanda na rin para sa Megastar. Tiyak na rin na isang engrandeng birthday celebration ang ibibigay ng Kapatid Network kay Ate Shawie.
Very civil naman ang naging response ng ABS-CBN sa pag-alis ng Megastar sa kanilang istasyon.
Usap-usapan naman na billion ang talent fee ni Ate Shawie sa bago niyang tahanan. Makahulugan din ang naging pahayag niya tungkol dito sa panayam ng Aksyon nu’ng Miyerkules ng gabi. Aniya, “I’m not in the position to confirm or deny that. Pero, if the station thinks I’m worth a certain amount then I will have to agree with them.”
Isang TV5 insider din ang nakausap namin na posible ring magkasama ang Megastar at ang Superstar sa isang project. “Posible lahat ‘yan, basta maayos lang lahat. At tiyak na magandang project ‘yan kung sakali,” sabi pa nito.
SPEAKING OF NORA Aunor, may ilang nakapansin na tila hindi raw nagpansinan ang Superstar at ang isa sa mga executives ng Dos na si Ms. Charo Santos-Concio sa 25th Star Awards for TV last Tuesday. Ilang upuan lang ang layo ng dalawa sa isa’t isa sa front row, pero nagdeadmahan daw ang dalawa. At nang tawagin na si Ate Guy sa backstage to introduce ang para-ngal kay German ‘Kuya Germs’ Moreno, hanggang igawad sa TV show na ‘Superstar’ ang isang special award bilang ‘Longest Running Musical Variety Show’, hindi na raw bumalik sa kanyang upuan ang premyadong singer/actress.
May kinalaman kaya ang tell-all interview ni Ate Guy sa isang magazine kung kaya raw nag-iwasan sila ni Ms. Charo Santos? Pero marami naman ang umaasa na magkakausap at magkakaayos ang dalawa. Knowing Kuya Germs na isang peacemaker, hindi maglalaon at darating ‘yon.
ISANG EXPLOSIVE ACTION-PACKED treat sa fans ng mixed martial arts (MMA) ang Pacific X-treme Combat tournament sa Sabado, Nov. 26, na gaganapin sa Ynares Sports Arena, sa Kapitolyo, Pasig City.
“PXC has established itself as a leading martial arts company and we are poised for continued expansion and growth in the Philippines,” ayon pa sa PXC Promoter & General Manager, EJ Calvo, sa ginanap na presscon nito nu’ng Miyerkules.
“We want PXC to be the driving force behind raising the bar for mixed martial arts in the Philippines, and Asia. PXC is the only event in the Philippines that has actually had fighters come through our ranks to the Ultimate Fighting Championship (UFC),” dagdag pa niya.
The PXC head is also excited with the prospect of having an amateur league launched in 2012. The aim is to have other fighters follow in the footstep of our very own Filipino UFC fighters like Brandon “The Truth” Vera and Mark “The Filipino Wrecking Machine” Muñoz.
UFC Fighter Brandon Vera has frequented PXC as a coach for teammates from the US. He will again attend PXC this Saturday in Manila to show his support for the sport.
The mixed martial arts event will be headlined by rising Filipino MMA star Tristan “Titay” Arenal going up against Abu Dhabi grappling champ Jon Tuck.
PXC 28 is presented by AKTV and San Mig Strong Ice. Tickets are available at Ticketworld (ticketworld.com.ph ) starting for as low as Php 350 with one free beer.
Bore Me
by Erik Borromeo