SA BISPERAS pa lang ng awards night ng 69th Venice International Film Festival sa Italy na ginanap noong September 8, 2012, pinarangalan na ang Superstar na si Nora Aunor ng Bisato d’Oro Best Actress award, para sa kanyang critically-acclaimed performance sa Thy Womb ni Brillante Mendoza.
Ang Bisato d’Oro Best Actress Award ni Ate Guy ay mula sa Premio Della Critica Indipendiente, isang jury of independent film critics sa Italy.
Napansin ang husay ng Superstar ng mga Italyanong kritiko. Ang founder ng Bisato d’Oro award ay si Mr. Brusaporco Ugo, isang respetadong Italian critic na nagko-cover ng major international film festivals sa buong mundo tulad ng Cannes, Berlin, Locarno, at iba pa.
First time na isang aktres ang ginawaran ng nasabing parangal, dahil previously raw ay producers and directors ang nakakukuha nito.
So, hindi man napasakamay ni Nora ang Volpi Cup best actress prize (Israeli actress ang nagwagi), hindi siya uuwi sa Pilipinas na “luhaan” – or with zero recognition – dahil siya naman ang Critics’ Choice ng mga Italyanong kritiko sa Venice.
Samantala, win din si Direk Brillante Mendoza ng special award – ang La Navicella Award mula sa isang Italian film journal foundation.
Ito ay ang Fondazione Ente dello Spettacolo e della Rivista del Cine-matografo, a foundation run by an Italian magazine for film and the performing arts. Iginawad naman ito kay Direk Brillante hours before the awards night.
Ang past recipients ng nasabing award ay acclaimed filmmakers tulad nina Louis Malle, Zhang Yimou, Stephen Frears, Abel Ferrara, and Kathryn Bigelow.
Umani ng maraming bonggang papuri from critics ang pelikula, hindi lamang Italians, kundi pati Russian at Canadian critics ay may na-post na great reviews, lalo na sa acting ni La Aunor.
Sa mga karangalang iginawad sa Thy Womb sa Venice, isang malaking “sampal” ito sa pagkaka-isnab ng MMFF committee upang mapasama ito sa sarili nating filmfest – na puro komersiyal na, at wala na ang tunay na quality na gawang Pinoy na maipagmamalaki natin worldwide.
BALIK-HORROR ANG sinasabing 1990s Scream Queen na si Janice de Belen via Tiktik: The Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes, kung saan gumaganap siyang ina ni Lovi Poe.
Matatandaang lumabas si Janice ng ilang beses sa Shake Rattle and Roll, lalo na ang blockbuster horror flick na Tiyanak, kung saan naging popular ang “anak ni Janice”, patungkol sa monster baby nito sa nasabing Peque Gallaga film.
Ngayong October 17, muling maririnig ang mga pagsigaw ni Janice at ang kanyang pakikipaglaban sa supernatural sa Tiktik: The Aswang Chronicles ni Direk Erik Matti, na ginawa sa green studio.
Ginamitan pa nga raw ito ng software na ginamit sa Avatar, say ng produ na si Dondon Monteverde.
Aminado si Janice na isa siyang O.A. (over-acting; protective) na ina siya sa totoong buhay, parang ang kanyang character sa nasabing new horror flick, pero for a good reason.
“I think all moms have that hysterical and judgmental streak – iba-iba lang ang pag-execute. We only want the best for our kids,” say ni Janice.
Career at ang kanyang mga anak pa rin daw ang nasa priority list ni Janice these days. Saka na raw muna ang lovelife.
“Naging masuwerte ako sa aspetong ‘yun ng buhay ko dati, so, huwag na muna ngayon. Let it come when I am truly ready. Now is not the time.”
Mellow Thoughts
by Mell Navarro