SUPER BUSY ngayon si Ms. Nora Aunor sa paggawa ng pelikula, 4 to 5 pictures this year. Magsisimula na siyang mag-shooting ng Kabisera na pang-Metro Manila Film Festival 2015. Ito’y true-to-life story na ididirek ng young director na si Rei Florido who megged Cinemalaya 2014’s “1st Ko Si 3rd” na pinagbidahan ni Nova Villa whose performance earned her a Best Actress nomination at the Gawad Urian 2015. This year, bibigyan ng Gawad Urian ang Superstar ng Life Achievement Award. First time na magbibigay sila ng ganitong award sa isang artista at ‘yan ay si Nora Aunor, the Greatest Filipino Actress of All Time.
As much as possible, ayaw na ni Ate Guy pag-usapan pa ang controversial issue sa Cannes Film Festival. Para sa kanya, tapos na ‘yung issue tungkol sa kanila ni Brillante Mendoza. Concentrate na lang siya sa bago niyang pelikulang Kabisera. Pero sa mga fans, hindi pa tapos ang laban. Sobra silang nasaktan sa ginawang pambabastos ng award-winning director sa kanilang idolo.
Katuwiran ng mga fans, gusto raw ni Brillante na maging center of attraction habang naglalakad sa red carpet kasama ang kanyang mga alipores. Sa totoo lang, ayon sa organizer ng Cannes, sina Nora at Brillante lang ang rarampa sa red carpet. Napag-alaman pa naming may sinabihan daw si Direk na siya raw ang kailangan sa Cannes para makita ng mga tao at hindi ang Superstar. Tuloy, nang rumampa na si Brillante sa red carpet, walang pumansin sa kanya. Ang hinahanap ng mga nagsi-attend at organizer ng event ay ang Superstar.
Sa totoo lang, ayaw ni Brillante na masapawan siya ni Ate Guy. Ang tawag nga sa Superstar ng taga-France ay “The Grand Dame of Philippine Cinema”. Nang dahil sa pangyayaring ito, willing pa kaya ang award-winning actress na makatrabaho uli niya ang controversial director? Say ni Boy Palma (manager ni La Aunor), “Sa tingin ko, malabo na si Guy na gumawa sa kanya ng pelikula dahil sa nangyayari. Walang tawag or explanation galing sa kanya kahit nandito na siya sa .’Pinas. May lamat na ‘yung friendship nilang dalawa.”
Paaano kung biglang ma-realize ni Direk Brillante ang kasalanan niya at humingi siya ng tawad kay Ate Guy, patawarin kaya siya ng Superstar? ” Kung ako ang tatanungin, ayaw ko na. Hindi ko masabi… Hindi ko hawak ang kalooban niya. Ayaw kong magsalita nang tapos, hindi pa siguro sa ngayon. Si Guy ang ugali n’yan kapag nagkalamat na ang friendship ninyo mahirap nang ibalik sa dati. Siya lamang ang makapagpapasya kung magkakapatawaran sila. Ayaw kong makialam tungkol sa bagay na ‘yan. Ako, bilang manager ni Guy, sobra akong nasaktan sa ginawa ni Brillante. Kahit sino naman, magagalit sa kanya.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield