AFTER THE controversial issue nina Ms. Nora Aunor and Direk Brillante Mendoza, nagkita ang dalawa sa French Film Festival na ginanap sa Greenbelt 5. Kasama sa line-up ng filmfest ang Taklub (Trap) ng Superstar. Mismong ang French Ambassador ng France ang personal na nag-invite kay Ate Guy. Naunang dumating si Direk Brillante, hindi nagtagal, dumating na ang Superstar na rumampa sa red carpet with her white gown na dapat sana’y gagamitin niya sa Cannes Film Festival. Kasama niya ang manager na si Boy Palma.
Habang naglalakad sa red carpet si La Aunor, nagkagulo ang media para ma-interview si Ate Guy about the movie. Siyempre, may nagtanong na press tungkol sa issue nila ni Brillante. Ngiti lang ang naging tugon nito, hindi siya nag-comment. Habang pinagkakaguluhan ang magaling na actress, lumapit si Direk Brillante sa Superstar para batiin ito. Bumeso sa harap ng media ang director kay La Aunor na para bang walang nangyaring issue sa kanilang dalawa. Bilang respeto sa kanyang director, binati naman niya si Mendoza. Hindi natagalan ni Boy Palma ang kaplastikang eksenang ‘yun kaya dumistansya muna siya kay Ate Guy.
Habang kinukunan ng mga photoographers na magkatabi sina La Aunor at Brillante on stage, panay ang bulong ni Direk sa kanyang leadstar ng Taklub. Pakiwari namin, nagpapaliwanag ito tungkol sa pangyayari. Nakangiti lang ang magaling na actress na para bang wala siyang naririnig sa sinasabi ng kanyang director. Ang magandang ugali ni La Aunor, hindi siya nambabastos ng tao at hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa kanyang kapwa kahit may ginawa na itong masama.
Tuloy, marami ang nagsasabi, showbiz ang pagbabati nina La Aunor at Brillante Mendoza sa harap ng press people. Kung kaplastikan man ‘yung eksena ng dalawa sa harap ng madlang pipol ‘yun, para na lang sa kapakanan ng kanilang pelikula, maging successful sa takilya.
In fairness, maganda ang kabuuan ng Taklub kaya nakuha nito ang Ecumenical Jury Special Mention in France. Maganda ang cinematography at magagaling ang mga artistang nagsiganap, lalo na si Julio Diaz. As always, outstanding ang acting performance ni Ms. Nora Aunor.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield