NGAYONG LINGGO, September 23, 8:00 PM na ang last performance ng Bona stage adaptation ng PETA, sa mismong PETA theater in Quezon City, starring Eugene Domingo at ang newcomer sa mundo ng teatr,o pero pinapurihan sa kanyang debut performance, si Edgar Allan Guzman.
Ang mga “panauhing pandangal” ngayong Linggo nang gabi – walang iba kundi ang mga original cast ng Bona – the film version – superstar Ms Nora Aunor at action-drama icon na si Mr. Philip Salvador, no less!
Ang totoo, sinorpresa na ni La Aunor ang cast ng Bona sa PETA sa panonood (dahil excited raw ang aktres) noong bago pa man siya pumunta sa Venice International Film Festival. Dito’y nanalo siya ng Critics Choice Award for Best Actress para sa kanyang Thy Womb (showing November 28 in local theaters) ni Brillante Mendoza.
This time, hindi lamang si Ate Guy ang kumpirmadong manonood, kundi kasama na rin ang leading man niya in the classic film na si Kuya Ipe – at pararangalan din sila.
Magkakaroon ng isang espesyal na recognition at thanksgiving program kasama sina Nora at Philip. Looking back, it would be recalled na “Lino Brocka baby” talaga si Kuya Ipe, and si Ate Guy naman ay isa sa mga paborito rin ng yumaong National Artist for Film na si Brocka.
Si Soxie Topacio, na isa rin sa pioneer ni PETA (like Brocka) ang siya naman ngayong director ng Bona version. Nakatutuwang makita sina Nora and Philip na gagawaran ng parangal sa stage version ng isang klasiko nang Brocka film.
Malinaw naman sa statements nina Direk Soxie at ang lumikha ng script na ginawa nilang “entertaining” ang dula (lalo na ang first act), at in-update ang dialogues, to the present time, unlike 30 years ago nang ginawa ang pelikula.
Bago pa man magpapasok ng tao sa tang-halan sa gabing ‘yun, magkakaroon ng album launch and signing si Edgar Allan ng kanyang bagong CD entitled Edgar Allan P.O. (Puro Orig) na available na sa lahat ng Astrovision branches.
Bukod siyempre kay Eugene, umaani ng papuri si Edgar Allan sa kanyang bonggang pagganap bilang si Gino Sanchez sa dula na orihinal na ginampanan ni Philip in the film.
Nagpaka-“daring” naman siya sa kanyang mga eksena rito na pinapurihan ng mga batikang direktor. Say ni Joel Lamangan: “Edgar is the new discovery that theater can be proud of.”
Sabi naman ni Mel Chionglo: “Stage newcomer Edgar Allan’s remarkably true performance is intelligent and nuanced. He is sexy with a stirring voice and stage presence. He is a genuine theater find.”
Para naman sa tickets para sa special last night ng Bona, kindly text or call 09178390768 or 09205340102.
STILL ON Edgar Allan Guzman, ngayong Sabado naman, September 22, ay natupad ang pa-ngarap niyang magbida ulit sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN, sa papel ng isang SEAGAY (seaman na bading) sa direksyon ni Nick Olanka. Kasama niya rito sina Lito Pimentel, Jobelle Salvador, Quintin Alianza, etc.
Ayaw pa rin “paawat” ni Edgar dahil he has a new MMFF film na siya ang bida – na dating kina Ryan Agoncillo at Sid Lucero.
Ito ay ang entry ng Unitel at Studio 5, ang Pedrong Walang Takot, kung saan kasama niya sina Ian Veneracion, Gelli de Belen, Mylene Dizon, Empress, etc.
Isa ito sa dalawang episodes (twinbill) ng Mga Kuwento ni Lola Basyang sa Christmas Filmfest.
Pararangalan din si Edgar ng FAMAS with Youth Achievement Award, with the ceremonies to be held this week sa Manila Hotel. Bonggang career ni Edgar, huh!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro