AFTER more than three decades ay muling magsasama sa isang pelikula ang sina Nora Aunor at Phillip Salvador. Si Ipe ang isa sa leading man ni Guy sa pelikulang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment.
Ang naturang produksyon ang gumawa ng 2018 MMFF most awarded film na Rainbow’s Sunset na idinirek ni Joel Lamangan na siya ring magdidirek ng Nora-Ipe movie.
Isa-submit ng Heaven’s Best para sa 2019 MMFF ang Isa Pang Bahaghari and hopefully ay mapili ito sa natitirang 4 slots.
Taong 1985 nang huling magsama sina Nora at Phillip sa pelikulang Tinik Sa Dibdib. Ang iba pang acclaimed films na pinagsamahan ng dalawa ay ang Bona at Nakaw Na Pag-ibig.
Originally, sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III dapat ang magiging leading men ni Nora sa Isa Pang Bahaghari kaya lang hindi pumuwede ang dalawa.
Ano ang reaksyon dito ng Superstar?
“Ay naku, siguro naman may edad na tayo dyan para pag-usapan pa natin. Bahala sila kung ano po yung… bigyan natin sa kanila kung ano yung desisyon nila kasi ang bawat isa naman sa atin may mga kanya-kanyang pananaw sa buhay. Hayaan natin sila,” paliwanag ni Nora.
Dugtong ng aktres, “At natutuwa naman ako dahil sina Kuya Ipe at saka si Michael (de Mesa) ay di hamak na magagaling na artista din na makakasama ko dito.”
La Boka
by Leo Bukas