KAPAG NAGKATAON, mu-ling magsasalpukan sina Nora Aunor at Vilma Santos sa susunod na taon. Nakakuha kami ng “info” mula sa Cinemalaya Film Festival for next year at kapwa nag-submit sina Direk Joel Lamangan at Direk Jeffrey Jeturian para sa Director’s Showcase category kasama ang ilan pang mahuhusay na direktor gaya nina Gil Portes, Maryo J. de los Reyes, etc.
‘Yun lang, si Ate Guy ang lead actress ni Direk Joel, at si Ate Vi naman ang bida ni Direk Jeffrey. Kapwa bago at naiiba ang role ng dalawang mahusay na aktres, balitang nakipag-meeting na si Ate Vi kay Jeffrey at interesado siya sa pelikula. Naghihintay lang naman si Ate Guy para kay Direk Joel at ‘pag okey na, shoot na sila.
Kapwa “may gulat” sa role ng dalawa na ngayon lang nila gagawin. Kung mapipili nga ang obra ng dalawang direktor para sa natu-rang kategorya, magdadagdag sigla iyon sa Cinemalaya na ika-9 na taon na sa susunod na taon. Kapag nagkataon, first time na may Nora at Vilma ang film festival.
Samantala, napunta na ang Mater Dolorosa ni Direk Adolf Alix na unang ini-offer kay Ate Guy, na ini-offer din kay Ate Vi, na napunta na sa de-kalibreng aktres/direktor ding si Ms Gina Alajar. Napakaganda rin ng nasabing pelikula at ibang-iba rin ang role na kahit sinong aktres ay dream na gawin ‘yun.
SAMANTALA, NANGANGABOG naman ang isang Mon Confiado dahil tatlong pelikula ang entry niya sa 2012 Cinema One Originals Film Festival. Isa siyang tusong negosyante sa Raon sa Palitan ni direk Ato Bautista, kung saan ipinakikilala si Mara Lopez (anak ng dating beauty queen/actress na si Ma. Isabel Lopez at huling napanood sa Survivor Phils.,) na walang arte at todo-hubad sa pelikula, at ang guwapong anak ng mahusay na character actor na si Pen Medina na si Alex Medina. Tribute ang nasabing pelikula kay Direk Peque Gallaga na gumawa ng Scorpio Nights nung dekada 80’s.
Excited si Mon sa pelikulang ito dahil first time niyang magbida. Nagampanan na yata niyang halos lahat ng role kaya happy siya dahil finally, nakapag-bida na rin siya.
Isang marine sergeant naman siya at rapist ni Alessandra de Rossi sa Baybayin ni Auraeus Solito, with Assunta de Rossi and Adrian Sebastian. Balik-sexy si Assunta dito na balitang hiwalay na sa asawa. Sa Palawan kinunan ang kabuuan ng pelikula.
Sa pangatlo, isa naman siyang fake dentist kasama si Erich Gonzales sa Mariposa (Sa Hawla ng Gabi) ni Richard Somes. Isa ring napakagandang istorya na “first” para kay Erich.
19 years na sa industriya si Mon na anak ng yumaong veteran actor na si Angel Confiado. Sa pagmamahal ni Mon sa kanyang propesyon, mas malaki pa ang nagagastos niya kesa natatanggap na talent fee bilang aktor dahil siya mismo ang personal na nagpapagawa ng mga wigs, costume at kung anu-ano pa na kailangan upang maging realistic ang hitsura niya sa bawat role na ginagawa.
Kasama rin si Mon sa mga pelikulang Supremo, biopic ni Andres Bonifacio at sa Dance of the Steel Bars with Dingdong Dantes and Hollywood actor Patrick Bergin na next in line ng GMA Films next year.
YUMAO NA ang batikan at respetadong writer/filmmaker na si Direk Celso Ad Castillo, kahapon ( November 26, ganap na 3am). DOA na siya nang isinugod sa Pakil Hospital. Heart attack ang ikinasawi ni direk. Nakaburol ang kanyang labi sa Siniloan, Laguna, ang kanyang hometown.
Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Direk Celso na hindi makali-
limutan ay ang Asedillo, Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, Burlesk Queen, Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak, Virgin People, to name a few.
Naging P.A. kami sa mga pelikula niyang Virgin People version nina Sunshine Cruz, Sharmaine Suarez at Ana Capri, ganu’ndin ang Isla, version ni Via Veloso. Nakita namin ang kanyang pagiging mapagbiro, generous at higit sa lahat ang husay sa pagdidirek.
Mula sa pamunuan ng Pinoy Parazzi, kaming lahat ay nakikisimpatiya sa buong pamilya ni Direk Celso Ad Castillo.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer