ON SEPTEMBER 19, Wed-nesday, all roads lead to SM MoA Arena para sa ‘Dolphy Alay Tawa’ a fitting tribute to the King of Comedy. Isa itong pambihirang pagkakataon at parang first na mangyayari sa Philippine Television na ang tatlong higanteng networks, ABS-CBN, TV5 at GMA ay pareho-pareho ang ipalalabas, kung ano ang nangyayari sa MoA ay ‘yun din ang mapapanood ng mga homeviewers sa kani-kanilang mga tahanan. Simultaneous broadcast ang mangyayari sa special event na ito, kung saan ang malalaking artista at singers mula sa tatlong istasyon ay makikita at mapapanood sa iisang stage, sa iisang palabas.
Kasama sa mga bigating artistang dadalo at makikibahagi sa pagtitipon ay ang Superstar na si Nora Aunor, Star For All Seasons Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta, Diamond Star Maricel Soriano, Grand Slam Best Actress Lorna Tolentino, Queen of Comedy Ai-Ai delas Alas, Martin Nievera, Gary Valenciano at maraming-marami pang iba.
Ayon pa kay Eric Quizon, isang natatanging pagta-tanghal ito na may mga kasamang video snippets sa lahat ng mga pelikula at proyekto sa telebsiyon ng kanyang yumaong ama.
Sa mga gustong manood, maghanda lamang kayo ng P150 bilang entrance fee sa ticket at ito naman ay mapupunta sa Dolphy Aid sa Pinoy Foundation at iba pang charitable institutions.
A never before event happening on local boob tube to watch out for.
KALIWA’T KANAN ang proyekto sa ngayon ni Edgar Allan Guzman. Maliban sa Bona at bagong CD Lite (na nasa TOP 10 na ng 103.5 WOWFM ang kanyang kantang “Hanggang Dito Na Lang”), sa wakas, natupad na rin ang pangarap ni Edgar Allan na magbida ulit sa papel ng isang seagay (seaman na bading) sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood na sa Sept. 22 sa direksyon ni Nick Olanka. Kasama niya rito sina Lito Pimentel, Jobelle Salvador, Eda Nolan, Alcris Galura at Quintin Alianza.
Meron ding bagong pelikula si Edgar Allan kung saan siya bida. Ito ang Metro Manila Filmfest entry ng Unitel at Studio 5, na dating kina Ryan Agoncillo at Sid Lucero – ang Pedrong Walang Takot – kung saan kasama niya sina Empress Schuck, Ian Veneracion, Gelli de Belen, Mylene Dizon, Pen Medina at Jaime Fabregas.
Dahil sa mahahalagang assignments na ito, kasama na ang pagiging mainstay sa Enchanted Garden at Game ‘N Go ng TV5, isa si Edgar Allan sa pararangalan ng Youth Achievement Award ng FAMAS.
Panahon na nga ni Edgar Allan Guzman ngayon kaya sana’y manatili ang focus niya sa napakagandang career – mula sa pagiging huling Mr. Pogi, heto’t kinikilala na siya bilang tunay na Breakthrough Actor ng kanyang henerasyon.
Ikaw na talaga ang busy, Edgar!
PATAPOS PA lang ang second quar-ter ng 2012 pero itong si Anne Curtis ay dinadaluyong na ng su-werte lalo na sa usapin ng pagkakaroon ng endorsement. Alam n’yo ba, na to date ay meron nang 22 endorsements si Anne – from January to September pa lang ng taong ito?
Ang Latest nga niyang ini-endorso ay ang isang instant coffee brand, kung saan ibinabandera niya rito ang kanyang pagiging ‘sigla-mazing.’
Does this mean, siya na ang endorsement queen sa nga-
yon? Natatawang sagot nito, “Ay hindi po, endorsement princess lang.”
Ikaw na!
Sure na ‘to
By Arniel Serato