First taping
ng “Walang Tulugan with the Master Showman” last Friday evening sa Studio 6 ng GMA na wala na si German Moreno.
The previous day, Thursday, ay araw ng libing ni Kuya Germs na napag-alaman namin na the late Saturday night show will be turning 20 years na pala sa ere.
Parang kalian lang na ang show ni Kuya Germs, sa gabing bored kami ay pinagdidiskitaan namin ang kanyang palabas na paminsan-minsan ay nagbibigay sa amin ng aliw sa madaling-araw sa panahon na tamad kaming gumimik on a Saturday night.
Dumaan kami sa taping, nakikiramdam. May lamlam sa taping na dati-rati’y kapag dumarating kami para bumisita sa taping, kapag nakikita kami ni Kuya Germs, kakawayan niya kami mula sa malayo para lumapit sa kanya.
That evening, akala ko nga maaabutan namin si Nora Aunor na isa sa mga co-host that evening, pero sabi ni Gladys Reyes nang makita namin siya sa basement parking pa lang, maaga pa raw ay umalis na si Ate Guy.
Sa taping, si Tita Aster Amoyo, na isa sa mga co-host ng Master Showman, nagkuwento sa amin na that afternoon, sa radio program ni Kuya Germs sa DZBB, nagparamdam daw ito sa mga iniwanan niya sa radio show.
That evening, special guests nina Tita Aster at John ang magkapatid na sina Vina Morales at Shaina Magdayao at ang archer apo ni Kuya Germs na si Gabriel Moreno na anak naman ng nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico.
Sa ngayon, wala pang malinaw na plano kung ano ang mangyayari sa show, lalo pa’t iba pa rin ang tatak at style ng hosting ng isang Kuya Germs na wala at hindi namin nakikita sa pamangkin niyang si John Nite na sabi ay siya ang magpapatuloy ng midnight show tuwing Sabado.
Sa pagkakaalam mo, isa sana sa malaking plano at paghahanda para sa show na ito ni Kuya Germs kung hindi lang siya namatay ay isang malaking celebration ang magaganap na gagawin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World.
As of this writing, wala pang malinaw na plano kung itutuloy ng GMA Network ang show na iniwanan ni Kuya Germs na alam naman nating tunay niyang minahal.
Pero kung ako ang tatanungin, dapat na magpaalam na ere sa isang bongga palabas na huling hirit ng “Walang Tulugan” para mas maiwanan sa ating mga alaala ang nagawa ni Kuya Germs sa showbiz kaysa sa mag-deteriorate ang show na ang isang German Moreno lang ang may karapatang magpatuloy.
Pero may pahabol na intriga kaming nasagap on our way out sa Studio 6 ng GMA 7 Annex. Is it true na umayaw si Nora na makasama sa isang segment ng show ang entertainment columnist and co-host ng show na si Tita Aster Amoyo?
Kung maaalala pa, isinisi ni Guy ang pakawala ng boses niya sa Japanese cosmetic doctor na PR client ni Tita Aster nang mag-undergo sa isang procedure si Guy, na during the procedure, nagkaroon ng emergency na kailangan butasan ang leeg ni Nora at kung hindi malamang, isang legacy na rin si Nora kung hindi naagapan.
Sa pagkakaala ko, everything was settle. Kung ano man ang danyos, binayaran na ‘yun ng Japanese cosmetic doctor kay Nora.
Reyted K
By RK VillaCorta