KAHAPON, TUMULAK na pa-Amerika ang Superstar na si Nora Aunor upang ituloy na ang pagpapagamot at pagpapa-therapy sa kanyang lalamunan. Layunin ng pagpapagamot nito sa espesyalista sa ibang bansa ay upang maibalik na sa dati ang ginintuang tining ni Ate Guy.
Tatagal nang halos isang buwan si Ate Guy roon pero magbabalik din siya sa bandang katapusan ng Hulyo upang simulan na ang maraming proyektong nakatakda niyang gawin. Dalawang pelikula na ang natapos ni Ate Guy para sa taong ito, isa na nga rito ang Thy Womb at ang entry niya at ni Governor ER Ejercito sa 2012 Metro Manila Film Festivals, ang El Presidente.
Noong nakaraang Linggo ay emosyonal si Ate Guy nang dumalaw sa kanyang kumpare na si Mang Dolphy, mangiyak-ngiyak siyang nanawagan ng panalangin para sa Comedy King. Doble naman ang naramdamang sakit sa kanyang damdamin nang isinugod din sa ospital ang kanyang paboritong director na si Direk Mario O’Hara. (Pumanaw na kahapon habang nasa San Juan de Dios Hospital si Direk Mario dahil sa sakit na Leukemia – ed).
Tiyak na aabangan ng mga Noranians at iba pang mga tagahanga ng Superstar ang kanyang pagbabalik dahil sabik na ang mga itong muling marinig ang pagkanta ng kanilang idolo.
BLIND ITEM: Kinsa Siya? Sino itong teenstar kuno ng isang istasyon na pinagtatawanan nang palihim ng ilang mga media personnel na nagko-cover sa mga events? Ang siste, sa isang event kung saan wala pang masyadong maraming artistang dumating ay nag-interview muna ang mga reporters sa kung sino man ang nandu’n na mga showbiz personalities.
Itong isang media personality ng isang network ay nakisawsaw sa isang interview kung saan hindi niya masyadong kilala ang kinapanayam. Larga lamang ang drama niya dahil wala pa ngang makausap. So dahil na rin sa dami ng taong nandu’n sa venue ay super nagsiksikan ang mga media.
Maya-maya pa ay dumating itong isang reporter na medyo maingay at akala niya siguro ay na-scoopan na siya ng mga nauna nang showbiz reporters sa kanya kaya nang makita niyang may pinagkaguluhan
ang kanyang mga kasamahan ay pahangos siyang sumugod at isiniksik ang kanyang mikropono. Nang maalimpungatan na siya (ang showbiz reporter) mula sa kanyang pagmamadali ay napatingin ito sa kanyang kasamahan at nagtanong, ‘Kuya, sino itong ini-interview n’yo?’
Gustong matawa ng kanyang tinanong pero nagpapigil na lamang ito at unti-unting tinanggal ang kanyang mic at lumayo na sa ini-interview. Ayaw rin kasi niyang matawa sa tanong ng kanyang kasamahan.
KAHAPON, MARTES, ika-26 ng Hunyo, umaarangkada na ang mga kamera ng pinakabagong fantaserye ng TV5 ang Enchanted Garden sa pamamagitan ng isang pictorial para sa mga casts nito.
Halos present ang lahat ng mga artistang kasali sa naturang soap at talaga namang enjoy ang lahat sa ginawa nilang pagsasabuhay ng kanilang mga karakter sa bonggang pictorial.
Malapit na ring simulan ang taping ng show kaya naman inspirado ang lahat dahil maganda talaga ang istorya nito.
Sure na ‘to
By Arniel Serato