Nora Aunor, balik sa Cannes Filmfest matapos ang tatlong dekada

2 Nora-AunorMUKHANG SA Cannes International Film Festival 2015 sa France magse-celebrate ng kanyang birthday ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor on May 21.

Tuloy na nga kasi ang pag-“rampa” ng legendary and multi-awarded actress sa Cannes dahil noong Linggo ng gabi (May 17), Manila time, lumipad si Ate Guy and her group for Cannes, kung saan pasok ang pelikula niyang Taklub sa nasabing prestihiyosong filmfest sa mundo, sa Un Certain Regard section.

Nauna nang lumipad ang director ng movie na si Brillante Mendoza (May 16) at nakatakda nang i-screen ang Taklub sa Cannes on its world premiere sa May 19, dalawang araw bago ang kaarawan ni La Aunor.

For sure, aabutan nga si Ate Guy roon ng kanyang birthday sa May 21, and we heard from a source na isa na ito sa pinakamasayang kaarawan ni Nora dahil 30 plus years later mula nu’ng itinanghal ang prinodyus niyang “Bona” (by Lino Brocka), eh ngayon lang siya makababalik sa Cannes.

Sa outfits ni Nora, ang designer na si Roel Rosal ay gumawa ng pantsuit and jacket ensemble para sa Cannes press conference, samantalang si Albert Andrada naman ay lumikha ng dalawang long gowns para sa pinakahihintay na red carpet parade.

“Depending on the occasions ang pagsuot ni Ate Guy ng outfits, kasi usually, iba ang presscon sa red carpet premiere. Sa Venice noon, nu’ng um-attend din siya for Thy Womb, magkahiwalay ‘yan, so dalawang outfits.

“Pero I think sa Cannes yata kasi, sa Un Certain Regard, baka raw magkasunod ang presscon at premiere, so baka isang gown lang masuot niya.

“But all 3 outfits are for her talaga, custom-made ang mga ito, so she can wear the others to different affairs na pupuntahan niya,” say ng aming source.

Ang official stylist ni Nora ay ang sinasabing “godfather of fashion styling in the Philippines” na si Michael Salientes.

“Kaya kabog talaga ang mga outfit ni Ate Guy! She will slay in Cannes! Pang-Hollywood star ang dating,” dagdag ng source.

Kasama sa entourage ni Nora sina Larry Castillo (producer), Aaron Rivera (co-actor ni Ate Guy), at Albert Almendralejo.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleVice Ganda, ayaw na may batang nanonood sa kanyang concert
Next articleYeng Constantino, ayaw pa munang magka-baby

No posts to display