‘YONG BAGONG van na natanggap ni Nora Aunor noong nakaraang Sabado ay bayad daw sa aktres ni Gov. ER Ejercito para sa partisipasyon sa pelikulang El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story.
I just wonder, matagal nang naipalabas ang pelikula (simula noong nakaraang MMFF 2012) at humakot na ng awards, bakit now lang ipinadala ni Gov. ER.
Hindi kaya bonus ito ng aktres mula sa kanyang producer or extra lambing lang?
Pakipaliwanag nga Ms. F and William Reyes kung saan galling ang bagong van ni Nora?
AFTER NG kaguluhan at pagod na rin sa nakaraang eleksyon, panahon na para mag-move-on ang sambayanan.
Abangan natin at bantayan ang mga nailuklok ng ating makapangyarihang boto.
Tama na ang sentimyento kung natalo ka man o ano. Ang mahalaga ay kumilos na ang mga bagong halal at magtrabaho na para sa sambayanan. Asahan ko ang mga pinangako n’yo. ‘Pag hindi, never na kayo makauulit, at hindi na kayo paniniwalaan ng sambayanan.
At para mabawasan ang stress at pagod sa nakaraang eleksyon noong Lunes, laugh trip na nga muna sa Bromance (My Brother’s Romace) na simula na ngayon.
Sa trailer, aliw na nga ako sa kabekihan ni Zanjoe Marudo (na dual ang role as Brando and Brandy), what more siguro kung buo kong mapapanood ang pelikula mamaya.
APRUB SA amin ang mga artistang nag-participate at bumoto noong Lunes.
Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velaquez, Enchong Dee, Julia Montes, Kim Chiu, Susan Roces, Kris Aquino, Robin Padilla and wife Mariel Rodriguez and a lot more.
Sa mga bumoto, ngayon may karapatan na kayong magreklamo, umangal at makialam sa mga mangyayari sa bansa.
MAY TAMPO pala ang ilang mga press people na dumalo sa pa-presscon ni Mother Lily para kay Nancy Binay bago mag-eleksyon.
After magbigyan ng kani-kanilang envelope ang mga invited entertainment press at nag-alisan na ay saka nag-abot naman sa chosen few ng kanyang pakimkim si Sen. Jinggoy Estrada sa ilang mga malalapit na members ng media na personal namang galing sa kanya.
Nang mabalitaan ng iba na may favoritism si Sen. Jinggoy, nag-aalburoto ang iba.
Tuloy sabi ko sa sarili ko, sa isang dakot na biyaya, is it worth?
Postcript ng noong nakaraang kampanyahan, ikinumpara ng mga naimbitahan ni Mother Lily sa pa-presscon niya ang mga bigayan.
Akala nila, quota na sila na sa halagang two thousand pesos, na oks na para dumalo sa presscon ng isang senatoriable. Pero sa 2-in-1 meet the press ni Mother (was it for Risa Hontiveros?), lugi raw sila dahil dalawang sampal lang ang natanggap nila na lumalabas na tig-one thousand pesos lang ang biyaya ng bawat senator na humarap sa kanila.
May intriga nga sa pa-presscon ni Mother Lily para kay Mary Grace Poe. Hindi raw pare-pereho ang natangap ng entertainment press noon sa Imperial Palace Hotel sa Timog.
May tumangap ng one thousand. Mayroong iba, may additional na five hundred pesos. Pero ang intriga ay ang nakasulat na halagang one thousand five hundred pesos na pananda sa sobre, pero one thousand pesos lang daw ang laman.
Kuwento ng iba, gusto raw ni Susan Roces bigyan ang entertainment press ng one tousand five hundred. Lahat pantay-pantay at pare-pareho para walang masabi at lahat ay happy.
Pero kamuka’t muka’t mo, may mga kumontra kay Manang Susan (ngayon pa lang may mga kontrabida na at humaharang) at ang sabi, okey na raw ang one thousand pesos.
Pero laugh trip ang mga bakla. Kung si Presidente Noynoy Aquino, 12 lang ang ikinakampanya na siyang ibinoto niya noong Lunes para pasok ang 12 candidates ng Team Pnoy, si Mother Lily trese ang kandidato sa pagka-senador ang ginastusan at ipina-pa-presscon.
Tuloy, say ng mga beki si Mother Lily segurista. “Sana manalo ‘yong 12 senador na tawag ng showbiz ay mga bagong Regal Babies.”
Reyted K
By RK VillaCorta