BUONG ASYA na ang kalaban ng superstar na si Nora Aunor sa pagka-Best Actress.
Nominado si La Aunor sa upcoming Asia Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane, Australia, para sa kategoryang Best Performance by an Actress, for Hustisya ni Direk Joel Lamangan.
Ang APSA, now on its 8th year, ay kinu-consider bilang Oscars ng Asia Pacific region.
Makakalaban ni Ate Guy for APSA Best Actress 2014 ang apat sa mga dekalibre ring aktres ng apat na bansa sa buong Asia – dalawa mula sa China, at tig-isa mula Israel at Iran.
Ang mga co-nominees ni Nora ay sina: Lu Zhong (China) para sa Chuangru Zhe for Red Amnesia, Tang Wei (China) para sa Huangiin Shidai (The Golden Era), Ronit Elkabetz (Israel) para sa Gett, The Trial of Viviane Amsalem, at Merila Zareie (Iran) for Shiar-E 143 (Track 143).
Una nang nagwagi bilang Best Actress sa nasabing international awards si Nora para sa acclaimed portrayal niya sa Thy Womb (2012) ni Direk Brillante Mendoza.
Nagwagi na rin si Nora bilang Best Actress for Hustisya sa nakaraang Cinemalaya Awards (Directors Showcase category) na ginanap noong Agosto.
Sobrang tuwa ni La Aunor at mga tao sa likod ng produksiyon ng Hustisya dahil sa nominasyong ito ng multi-awarded actress.
Humble lang sa kanyang international best actress trophies si Nora, pero undeniably, she holds the record na may pinakamaraming panalo ng sinumang Filipino actress.
Nominado rin ang Pinoy film na Dagitab bilang Best Screenplay para kay Giancarlo Abrahan, na siya ring director ng pelikula na isa sa most-awarded Cinemalaya film this year.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro