Nora Aunor, ‘di magawang suportahan ng fans!

OLA CHIKKA! Ilang tulog na lang, Christmas na, sabi nga ng mga bata. Pero sa column ko, walang nararamdamang X-mas, tulad ng pinost ni Ronald Carballo sa FB. Naloka naman ako, kasi walang himala raw sa ginawang restored na Himala nang ipalabas ito sa mga sinehan, one day last day. Kasi talagang tulog na ang mga Noranian, puro lang sila dada. ‘Di ba lagi ko sinasabi, action speaks louder than words? Ano ang nangyari? Nganga!

Basahin n’yo ang sinabi niya, at nagpaalam naman ako na gagamitin ko sa column ko ito.

“MULI KONG PINANOOD ANG SINASABING RESTORED “HIMALA” NG NAG-IISANG SUPERSTAR, NORA AUNOR… WALANG NAGBAGO SA AKING PAKIRAMDAM. LALO KONG NASABING MAS DESERVING PA RIN TALAGANG MAG-GRANDSLAM BEST ACTRESS ANG NAG-IISANG STAR FOR ALL SEASONS, VILMA SANTOS, SA “RELASYON” NUNG MGA PANAHONG YUN…”
“Luminaw-linaw lang ‘yung kopya ng “bagong” Himala, pero tulad ng maraming taong lumipas, tahasan kong masasabing ngayon, mas buong-buo na ang kakayahan ko sa paggawa at pagkilatis ng pelikula, hindi ko pa rin siya nagustuhan. at tulad ng mga ibang pelikula ni nora aunor bago ito, sa mga nakaraang panahon, bago siya mawala sa sirkulasyon, walang nanonood sa sinehan! wawalo kami sa sm cinema!
“Nasaan ang mga maiingay na Noranian?! Bakit hindi naman sila nanonood sa sinehan para suportahan ang idolo nila?!
Kung sa bagay, mas hindi na sila lalabas para manood dahil may bayad ang sine at ang mahal na! (Buti na lang, libre ako sa sinehan dahil sa MTRCB pass for two and I will always be grateful to my friend, Mario Hernando).
“Sayang kaya ang pera kung manonood ka ng pelikulang nagbabayad ka para lang mabagot at antukin ka….
“Eh, kung ‘yung serye nga ni Nora sa TV5 ni walang viewership, as in! Minsan, nag-one percent rating at nag-zero rating pa nga. Libre na ‘yun, ha?! Nasa TV lang ‘yun na pipindutin mo lang ang remote at ayan na! Wala pa ring nanood!
I’m just wondering, kung may mga norianian pang nagmamahal kay Nora, nasaan na sila?! Puro salita, puro daldal, pero hindi naman nila sinusuportahan ang idolo nila para magkatao man lang sa sinehan?!
“nakakatakot ang Thy womb, kung may manonood pa ba nito, kumpara sa mga Si Enteng Kabisote, Si Agimat at Si Ako”; “sisterakas”; “one more try” at iba pa… sana kumita naman ito sa sinehan sa pasko…ako, sure ako, panonoorin ko ito.
at least, ang latest film ni vilma santos na “the healing” ay naging blockbuster pa rin sa takilya at maganda ang pelikulang walang inip o bagot factor. patunay na buhay na buhay pa rin ang mga vilma santos’ supporters na sinamahan pa ng mga fans ni kim chiu.
“excited ako sa jeffrey jeturian-vilma santos film sa cinemalaya this coming 2013…”

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMost Memorable Childhood Christmas ng mga Star
Next articleSharon Cuneta, masama ang loob sa Singko?

No posts to display