SABI NILA, laos na si Nora Aunor. In short hindi na mabenta at kadalasan, ang mga pelikula niya’y sablay sa box-office. Sa diretsahang salita, nilalangaw.
Oo nga’t kaliwa’t kanan ang projects ng aktres tulad ng Cinemalaya 2014 entry niya na Hustisya sa direksyon ni Joel Lamangan at sinulat ni Ricky Lee; ang first film directorial ni Perci Intalan na Dementia; at ang pelikula nila ni Coco Martin na Padre de Familia na dinirek ni Adolf Alix Jr. As expected Nora will be a hot topic na naman sa kanyang acting. Yes sa kanyang acting, pero sa usaping box-office appeal ng aktres, I doubt na makababawi ang producer ng kanyang pelikula. Pero pagdating sa paghakot ng award, I’m sure ngingiti na naman ang mga Noranians at may side comment na naman ang mga Vilmanians.
Ako personally, gusto ko ang Thy Womb, ang huling pelikula ng aktres. Bago kasi sa paningin ko, lalo na ang Badjao (Sea Gypsies ng Sulu Sea) culture na ipinakita nila sa pelikula sa World Cinema. Basta ganu’n ang topic, expected na magre-rave ang mga kaeklatang mga international film critics ng mundo.
Sa press launch last Wednesday ng Cinemamalaya 2014 na ginanap sa CCP, suot ang promo T-shirt ng pelikula niyang Hustisya, may double meaning daw ito sabi ng mga nang-iintriga.
Ang sigaw ni Nora, hustisya sa pagkabasura ng kanyang pagiging National Artist sa pamahalaang pinamumunuan ni PNoy.
Reyted K
By RK VillaCorta