NAGULAT KAMI sa kumpirmasyon ni Nora Aunor last Wednesday evening sa press junket para sa pelikulang Padre de Familia kung saan si Coco Martin ang makakasama niya.
Akala ko, all’s wel sa kampo ni Mama Guy, dahil busy na naman siya sa kanyang showbiz career with two films na sabay niyang ginagawa aside from a teleserye with former loveteam na si Tirso Cruz III.
Noong una, akala ko, namali siya ng sagot sa tanong ko. Ang alam ko kasi, every year yata kung immigrant ka or Green Card Holder, you need to renew your immigrant status kung sakali mang hindi ka naka-base sa US just to maintain your status as immigrant.
Sa dami ng mga Pinoy na nangangarap makapunta sa US as tourist or have the chance to work sa Land of Milk and Honey, sa kaso ni Guy who was granted special immigrant status (Green Card) for people with special talent (siya as a movie actress and singer) naging madali for her lalo pa’t sa estado niya bilang artista ay hindi lang kilala sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Nang tinanong ko siya about renewing her Green Card, she tod us bluntly na last November 2013 pa niya dapat i-process ito at i-renew tulad ng ibang mga immigrant who still want to stay in the US as immigrant status o legal alien.
Sabi ni Guy sa amin, “Nag-decide ako to stay na lang dito (Pilipinas) dahil sa dami ng trabaho.”
Just like that? Dahi lang sa work? Nagtaka ako? Anong nangyari the fact na for almost eight years na pananatili niya sa US para maging immigrant status, just because she’s doing two films at the moment (matatapos na ang filming ng Padre de Familia ayon kay Direk Adolf Alix Jr.); she just dropped a bomb sa desisyon niya na nakakuha ng mixed reaksyon mula sa ibang mga tao na concerned sa kanya.
Tama ba o mali ang naging desisyon ni Guy? Sa estado niya as immigrant, ‘di hamak na mas masuwerte siya at kahit papaano, naging madali sa kanyang marating ang estado niya as legal alien or a green card holder.
Pero tulad ng laging sinasabi ng mga kaibigan ni Guy, siya ang lahat may alam sa kasagutan ng desisyon niyang ito na when we informed some friends na Noranians, maging sila ay nagulat din.
Anyway, sa Monday, I will make tsika about sa pelikula nila ni Coco Martin na Padre de Familia na puring-puri ng aktres ang young aktor.
SPEAKING OF Coco, siya ang producer ng pelikulang Padre de Familia.
Nang mag-confirm si Guy na tinatanggap niya ang role as the mother of Coco (mag-ina sila) walang alinlangan, nagsimula na ang shooting ng pelikula.
More on Coco, his experience working with the actress at ang tungkol sa kanila ni Julia Montes na nakasama niya sa pelikula as her love interest.
LIVE IN status pala si Solenn Heussaff at ang Argentinian BF niya. For the past three years, they have been dating exclusively na siya namang gusto ng dalaga kahit sabihin pa na sa mga current artista natin, she’s very liberated.
Into agri-business pala ang BF niya who is very supportive sa dalaga. Nagkakilala sila sa isang bar na dahil gusto niya ang binata, nang manligaw hindi na niya ito pinahirapan.
After she decided to romantically get involved sa BF niya, she decided or baka dahil sa edad niya ay nagbago na ang paglabas-labas ni Solenn para gumimik.
“Every one mellows naman. But we prefer to stay home. Cook dinner and enjoy each other’s company,” kuwento niya sa amin.
Solenn enjoyed pala her recent vacation sa Argentina kung saan sa Buenos Aires (the capital) naka-base ang pamilya ng kanyang boyfriend. Pangatlong Christmas na pala na roon siya na-spend sa Argentina ng Pasko at New Year with her future “family”.
Kahit hindi sila kasal, Solenn wants a baby. Being liberated, okey sa akin ang plan niya na to have a baby kahit hindi sila kasal.
Sa ngayon, walang plan na bumalik ang BF niya sa Argentina para doon manirahan. “He loves the Philippines. He loves our pansit and adobo,” aliw na kuwento niya sa akin.
By the way, first time manonod ang BF niyang si Mico ng pelikula niya na Mumbai Love na palabas na next week.
Reyted K
By RK VillaCorta