May nagsasabing magiging box-office flop ang 2016 Metro Manila Film Festival dahil puro indie films ang entries.
“Alam mo hindi natin masasabi ‘yan. Kasi ang sinasabi nila kapag festival ay nasanay na ang mga bata na mayroong comedy, na merong mga pambatang pelikula. Pero gaya ng sinabi ko kanina, napapanahon at nagpapasalamat ako na naiba ‘yung takbo ng mga piniling mga pelikula para isali sa Metro Manila Film Festival, sapagkat ito ang taon na ang mapanonood nila ay mga kalidad na pelikula,” say ni Nora Aunor na bida sa “Kabisera” na isa sa official entries ng MMFF.
“Kung talagang gugustuhin ng tao, talagang kikita. Hindi natin masasabi na para sa Pasko o kung kailan man,” she added.
Maganda na para kay Ate Guy na iba na ang policy ngayon ng MMFF screening committee na finished product na ang ipakita sa kanila at hindi ‘yung script lang.
“Kapag nabasa mo ‘yung script, ‘ah, maganda ‘yung script. Baka paglabas nito ay maganda ‘yung pelikula, maganda ‘yung script.’ Pero may mga nangyayari na kahit maganda ‘yung script na nabasa mo, pagkatapos gawin ang pelikula at naipalabas na ay may mga insidente na hindi pa rin (magada), may hinahanap ka, parang kulang. Para bang hindi na-execute ‘yung script na nabasa mo.
“Pero meron namang iba na sabihin na natin na hindi masyadong maganda ang pagkakagawa ng script tapos noong ginawa mo ang script ay maganda ang pagkakagawa ng pelikula, ayun ang talagang ano. Kaya hindi natin puwedeng ihambing at puwede nating sabihin na for indie ‘yan, for mainstream ‘yan. Nasa sa paggawa pa rin ng pelikula, nasa mga artistang nandoon na ating nakasama,” paliwanag niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas