Nailibing na sa kanyang huling himlayan si Mamay Belen kahapon (Miyerkules), March 16, sa Manila Memorial Park, ang ina ng teen superstar na si Maribel “Lala” Aunor ng dekada ’70. Walang Nora Aunor na dumating man lang sa lamay sa Holy Trinity Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque hanggang sa huling gabi ng viewing.
Wala man lang korona ng bulaklak na ipinadala ang aktres sa tiyahin na siyang nagturo at umalalay sa kanya sa kung ano man ang naabot niya ngayon. Malaki ang ambag ni Mamay Belen sa pagiging isang Nora Aunor niya.
Pero ang anak niyang si Ian de Leon, kasama ang isang anak ng aktor, ay dumating sa huling gabi ng lamay, kung saan ipinakilala ni Ian ang anak sa tiyahin na si Lala (first cousin sila ni Nora), sa mga uncle at auntie niya (mga kapatid ni Lala), at maging sa mga pinsan na sina Marion at Ashley.
Sa huling gabi, inaasahan na hahabol si Nora para magbigay ng kanyang last respect sa kanyang Mamay Belen. Pero walang Nora Aunor.
Kung maaalala pa, may isyu si Nora at ang kapatid ni Lala tungkol sa lupain diumano ng aktres sa Bicol na hindi namin nasundan ang istorya.
But still, sa ganitong mga pagkakataon, dapat isinet-aside ni Nora ang personal niyang issue niya sa kapatid ni Lala at ang isipin ay ang kanyang Mamay Belen, na kung hindi dahil sa ina ni Lala, walang Nora Aunor ang showbiz.
Habang isinusulat namin ang item na ito, may text message kaming natanggap na hindi rin pala sinipot ni Nora ang opening night ng Cine Filipino Film Festival na ginawa sa Newport Theater sa Resorts World kung saan ang pelikula niya with Angelica Panganiban na “Whistleblower” ang siyang opening film ng festival.
Maging ang isang personal appearance (motorcade) ng aktres na dapat magaganap sa Nueva Ecija para sa isang kasiyahan at hindi naman political campaign (it’s a 2-hour travel by land lang naman from Metro Manila), kung saan kikita siya ng almost half a million, tinabla rin ni Nora na sana ay makatulong nang malaki sa gastusin para sa bunsong kapatid na si Buboy na balita namin ay nasa ICU ngayon.
What’s happening Guy? Sayang. Marami ka na namang pinalampas na pagkakataon sa buhay mo.
Reyted K
By RK VillaCorta