HINDI NA naitago ni Nora Aunor ang pagkadismaya dahil sa hindi pagkakasama ng kanyang pelikulang Kabisera sa Metro Manila Film Festival sa December, dahil wala raw itong box-office appeal.
Ang huling pelikula ni Ate Guy sa MMFF ay ang Thy Womb na hindi raw kumita sa takilya pero humakot naman ng award.
“Siyempre, nakapanghihinayang kasi nasimulan na namin ‘yung movie at umasa na kami na mapasasama siya sa MMFF. Nakakalungkot lang nang ilabas nila ang official entries ay hindi kami nakasama. Siguro isang himala na lang ang puwedeng mangyari para makasama kami sa MMFF sa taong ito,” pag-e-emote pa ng Supertar.
Ayon pa kay Ate Guy, saludo raw siya sa mga katrabaho niya sa Kabisera, lalo na raw ang kanilang director at producer.
“Mga bata pa sila pero ang sisipag na nila para mabuo namin ang Kabisera. Kaya ganado tayongt magtrabaho sa project na ito dahil nakahahawa ang energy nila sa set,” nakangiting say pa ng Superstar.
Samantalang masaya naman si Ate Guy sa tinatamasang tagumpay at kasikatan ngayon ni Alden Richards. Nakasama at nakatrabaho na kasi ng Superstar si Alden sa isang short film titled Kinabukasan at nagkasama na rin sila noong maimbitahan ang naturang short film sa Rotterdam International Film Festival in Amsterdam last year.
Ayon pa kay Ate Guy, nababaitan siya kay Alden noong gawin nila ang short film kaya masayang-masaya siya sa tinatamasang kasikatan nito ngayon dahil sa AlDub loveteam with Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub.
“Napakabait na bata yan si Alden. Marunong gumalang sa mga nakakatanda sa kanya. Hindi ako nagugulat na sumisikat siya ngayon. ‘Yan ang blessing sa kanya dahil sa pagiging mabait niyang tao,” pagtatapos ng Superstar.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo