BIRTHDAY KAHAPON NI Ms. Nora Aunor. Wala masyadong nakaalala, dahil busy pa ang mga tao sa sex video ni Hayden Kho ke Katrina Halili at ke Maricar Reyes.
Pero ang sabi, next year ay pauwi na rito si Ate Guy courtesy of Gov. Chavit Singson, dahil mangangampanya raw si Ate Guy para ke Manny Pacquiao.
Sa ngayong wala pa si Ate Guy, me nakapagsabi naman sa amin na busy si Ate Guy sa pagso-show sa maliit na resto bar sa New York. Nagtaka nga ang isang friend namin, dahil du’n daw sa New York, eh, “pipitsugin” ang tinatanggap ni Ate Guy eh, superstar pa naman daw ito?
Ke maliit ‘yan o malaki, eh, malaking tulong pa rin kay Ate Guy ang raket na ‘yan. Kesa naman magnakaw ‘yung tao, ‘di ba? Eh, ‘di kahit sa mga maliliit na bar eh, hayaan na nating rumaket ang superstar.
Kaso nga, ang naririnig namin eh nagra-rubbing alcohol pa rin si Ate Guy. Rubbing alcohol? Ano ‘yon? Casino, mare. Casino rubbing alcohol.
Minsan nga raw, me isa kaming friend na nag-casino ngayong hapon, ano? Kinabukasan, pagbalik niya sa casino, andu’n pa rin daw si Ate Guy with the same outfit.
So, hindi na raw ba natulog si Ate Guy at imbes na matulog at maligo ay nag-concentrate na lang daw sa pagka-casino?
Kung totoo man ito ay nakakalungkot naman. Sana nga, hindi ito totoo, dahil kung nagsisimula uli ng bagong buhay si Ate Guy ay alam naming maraming tutulong sa kanya, basta nasa tamang direksiyon lamang siya.
‘YUNG ONE WEEK run sa mga sinehan ng BFF o ng Best Friends Forever nina Ai-Ai delas Alas at Sharon Cuneta ay naka-P70 million gross nationwide, kaya congrats sa Star Cinema, ha?
No, hindi naman kami hihingi ng bonus, ‘no! Kahit passes na lang, happy na ang lola n’yo, hehehe!
NAKAKALOKAH, SA SM North Edsa na lang pala gagawin ang Mossimo Bikini Open bukas, Sabado, huh! Hindi natuloy ang Boracay nila, dahil sinalanta raw ng ipo-ipo ang buong stage.
Saka totoo ba ‘to? Na halos chorus na nagsabi ang mga kandidato at staff ng Mossimo ng, “Buti nga. Karma ‘yan sa direktor!”
Huh? Bakit naman? “Eh, pa’no kasi, si Direk Fritz Ynfante, halos wala nang tigil sa pagmumura sa staff at sa mga candidates. Para bang palamunin sila ni direk, kaya ayun, karma, nawasak ang stage. Ang dami pang problema!”
Nako, totoo ba ‘to, Direk Fritz?
Gano’n? ‘Kalokah, me swimwear competion sa SM North Edsa? Bongga!
LALONG MAPAPALAPIT SA mga bata at mga preschool si Megastar Sharon Cuneta, dahil sa kanyang bagong album under Sony BMG, ang Sharon Cuneta sings Rhymes & Lullabies na kumpletong-kumpleto ang album.
Naglalaman ito ng dalawang CD kung saan ang mga nursery rhymes at songs na kilalang-kilala natin ay inawit ni Sharon at talagang tamang-tama ngayong pasukan.
Kaya ‘wag na tayong masa-shock kung sa pagdaraan natin sa mga day care at learning centers eh, ito ang madalas nating maririnig.
Favorite na nga ng aming bunsong si Georgina ang mga songs at isinasayaw na rin nito, eh. Kaya feeling namin, bongga ‘to!
‘Wag n’yong kalilimutang pakinggan ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz