I HAD the chance to take a peek kung ano ang nangyayari sa Artista Academy.
Sa totoo lang, ang lakas ng dating ni Marvelous Alejo. ‘Yung small little brown girl na masang-masa ang dating over those tall and mestizas na tipong mga beauty queens in the making.
Pero si Marvelous, dapat marunong sumagot kapag ini-interview at hindi ‘yung sagot jologs na parang walang pakialam.
Malakas ang dating ng fan base nila ni Akihiro Blanco bilang loveteam. Pero ang binata, ordinaryong-ordinaryo. He looks like a service crew sa isang Chinese fastfood. Cutie lang, period.
‘Yun nga lang, mas promising si Akihiro on the TV screen than watching him live on stage.
Itong si Alberto Bruno, sa opening dance number nila, hindi sumasabay sa saliw ng tugtog. May sarili siyang choreography. Wala siyang rhythm sa katawan para sumabay sa beat ng tugtog para naman nasa timing siya.
I just wonder kung bakit ang lakas ng dating ni Vin Abrenica sa isa sa mga judges ng Double A na si Wilma Galvante.
While looking at Vin perform on stage, may mali sa hitsura niya. It’s not perfect.
Hindi tulad ng kapatid niya na si Aljur, mas charming at guwapo ang kuya niya kaysa sa kanya.
Sorry to say, while looking at him, para lang siyang ordinaryong male masseur sa Forest Spa d’yan sa Tomas Morato.
May tsismis na kumakalat kasi na mas pabor ang TV5 people kay Vin dahil mina-manage siya ni Noel Ferrer na isa sa mga consultant ng Kapatid Network.
Had the chance to talked to TV5 Entertainment boss Perci Intalan and he informed us that Noel is just a consultant of one of their shows, Ang Latest, kung saan main host si Cristy Fermin together with Divine Lee and Mr. Fu (Up Late Edition) and Amy Perez and Congresswoman Lucy Torres (every Saturday morning).
“He is not connected with TV5. Parang talent lang siya,” paglilinaw ni Intalan sa amin on our way out of TV5 Broadway.
Now na malinaw na walang kinakamada sa mga Artista Academy scholars para iposisyon, let’s just wait and see kung ano ang susunod na mangyayari.
Pero si Cesar Montano (host ng show), ang bet niya sa mga AA Students ay itong si Vin.
OK, FINE. Rave na rave ang mga film critic sa pelikulang Thy Womb si Nora Aunor. Nag-standing ovation sila nang ipalabas ang pelikula sa Venice. Left and right ang mga quotation from “international film critics” na nagbibigay-recognition at pagsaludo sa galing ni Nora.
Now, what? Ano ang kasunod? Will it pay Nora’s electric bills?
Napatunayan na ni Nora na isa siyang magaling na artista. Ang halos bulong mundo, saludo sa galing niya.
Maging kami, saludo kami sa pagiging aktres ng “Superstar” at hindi na ito isyu.
Pero what? Saan patutungo ang mga papuring ito?
Maibabalik kaya ang box-office appeal niya sa pagpapalabas ng pelikula niya rito sa bansa?
Ikutin man nila ang buong mundo; from Venice to Cannes to Cairo even in New York; makadaragdag ba ito sa pangangailangan ni Guy ng pera para matuloy na ang pagpapagamot niya at sinasabing operasyon na gagawin sa Boston (USA) para manumbalik ang boses niya?
Sa dami ng mga plaque, trophies na ni Guy bilang “Best Actress”, I’m sure wala na itong pagkakalagyan.
Sa pagpapalabas ng Thy Womb sa bansa, dapat ang mga Noranian, kumilos na. Suportahan n’yo ang idol n’yo.
Ito ang huling alas ni Nora o baka pulutin na lang siya sa kangkungan.
Reyted K
By RK VillaCorta