NABUKING din ang dating Supestar na si Nora Aunor at ang kanyang kampo sa alibi na sinasabi nila kung bakit hindi napunta sa aktres ang importanteng role at pagiging bida sa pelikulang Jesusa ng scriptwriter-director na si Ronald Carballo para sa bagong tatag na OEMP.
Ang pelikula na unang in-offer sa dating superstar na tinangihan niya noong una ay napunta na ngayon kay Sylvia Sanchez or Ibyang (tawag namin sa aktres).
First in mind ng produksyon si Nora ang gagaganap sa title role. First choice si Nora ika nga dahil bagay na bagay kay Guy ang role ng isang battered wife na dumaan sa kaliwa’t kanan na problema mula sa kanyang asawa, mga anak, kaibigan at mga tao sa kanyang paligid.
Pero dahil sa daming kaartehan at kabagalan ng aktres, hayun at napunta ang magandang role kay Sylvia.
Pinapalalabas ng kampo ni Nora na ang GMA Kapuso Network drama serye niya na Onanay ang dahilan kung bakit hindi ito makapag-decide kung tatatangapin niya ang offer sa kabilang mga “demands” ng aktres (itinaas na talent fee, schedules etc.) na pikit-mata na inaprubahan ng mga producers-financier ng pelikula para mapapayag si Nora na siya ang gumanap as Jesusa na hindi basta-basta pwede i-offer sa hindi dekalibreng artista na tulad niya.
Sa media conference, agad nilinaw ng direktor ang totoong dahilan taliwas na ipinapalabas ng kampo ng aktres: “Hindi ang Onanay ang dahilan,” pauna na paliwanag ni Direk Ronald.
Dagdag pa niya: “Noong hindi na kami natuloy, wala pang extension ng Onanay. With due respect to the one and only Superstar, sana ay ‘wag na nating gawing masyadong intriga.”
Sa tagal ng paghihintay nila sa desisyon ni Nora, mas minabuti na maghanap na sila ng replacement para sigurado na matuloy ang project na tama lang naman na kunin nila ang serbisyo ni Sylvia na walang aberya na ibinigay kay Direk Ronald at sa production staff.
After mabasa ni Ibyang ang script, mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Konting-pre-production meetings, nagshooting na kaagad sila.
“Napaka-professional ni Sylvia. Ito ang klase ng artista na gusto ko ulit makatrabaho,.” pahayag ni Direk Ronald.
Nang tumawag na ang inutusan ni Nora sa director na gusto na niya gawin ang pelikula, diretsahan din sinabi ni Direk Ronald na si Sylvia na ang kinuha nila.
Sus, until now, babagal-bagal pa rin si Nora. Tumanda na’t lahat, ganun pa rin ang kanyang work attitude.
Ngayon na magtatapos na ang Onanay (na sabi ng mga nakakapood na si Jo Berry naman ang tunay na bida at supporting role lang si Nora), ano kaya ang naghihintay na career meron pa for Nora kung saka-sakali?
Reyted K
By RK Villacorta