NO COMMENT at ayaw na lang daw patulan ni Kuya Germs Moreno ang naging pahayag ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kaugnay sa isyu ng pagkawala ng boses nito.
Maalalang nagpa-interview si Ate Guy at nagsabi na kaya ayaw niyang magsa-lita tungkol sa naging result ng kanyang operasyon niya sa Japan na naging dahilan daw ng pagkawala ng kanyang boses ay dahil madadamay si Kuya Germs.
Laking gulat nga ng Master Showman nang makarating sa kanya ang nasabing balita. Dahil ang tangi lang naman niyang sinabi at ipinayo sa magaling na aktres ay kung sa ikagaganda niya at kikita siya, wala namang masama na mag-undergo ng pagpapaganda.
Pero hindi nangangahulugan na kapag pinayuhan siya nito ay kailangan na niyang sundin, natural mente raw ay may sarili pa ring pag-iisip at desisyon ni Ate Guy, kung gusto ba niya itong gawin o hindi.
Kung sa bagay, may point nga naman si Kuya Germs doon. If ever nga naman na ginawa niya ito ay dahil gusto niya at hindi dahil sa payo ng iba na gawin niya ito. Kaya dapat ay wala siyang ibang puwedeng sisihin dito kung hindi ang sarili niya, kasi siya naman ang may gusto nito.
MULA SA pagiging beauty queen/singer sa Canada, kung saan siya ang naging representative ng Pinoy community sa West Coast Canada sa katatapos na Mutya ng Pilipinas 2012 na ipinalabas sa GMA-7, balak daw mag-stay nang matagal sa bansa si Gina Damaso para subukan naman ang kanyang luck sa showbiz.
Kuwento ni Gina na sa Canada ay kumakanta na rin siya mostly sa Pinoy communities at ilang konsiyerto ng ating mga top performers sa bansa, kung saan isa siya sa nagiging special guest at sinubukan niya rin sa Canada ang maging isang theater actress.
Pangarap nito ang magkaron ng sariling album at hit songs katulad ng kanyang mga hinahangaang singers na sina Regine Velasquez, Toni Gonzaga at Gary Valenciano. Samantalang sina Nora Aunor, Vilma Santos, Coco Martin, Luis Manzano at Marian Rivera ang kanyang mga fave actors na gustong makatrabaho.
Sa ngayon, busy at nag eenjoy si Gina sa mall tours along with Upgrade, DJ Joph at Joven Moreno kung saan katatapos lang nilang mag-show sa Star Mall Edsa, kung saan dumagsa ang maraming tao para panoorin sila.
SOBRA-SOBRANG DAMI ng blessings ang dumarating sa Kapuso young actor na si Teejay Marquez na isa sa mga young actor na laging nagti-trending sa Twitter, dahil na rin sa dami ng magagandang proyekto na dumarating sa kanya.
Una na rito ang pagkakasali niya sa Haram, ang malaking primetime soap ng GMA-7, kung saan gagampanan niya ang role ni Nasser, nakakabatang kapatid ni Kylie, at ang pagkakaroon ng kanyang launching movie, ang Mohamad Abdulla, at ang pagkakasama rin niya sa pelikula ng GMA Films, ang Basement.
Dagdag pa daw sa blessings na natatanggap niya ang pagiging endorser ng Walker, kung saan one of this day ay makikita na ang kanyang naglalakihang billboard at poster sa buong Pilipinas.
BLIND ITEM: ‘Di pa man gaanong su-misikat ay super duper feeling big star na ang isang young actor na mukhang tomboy na galing sa isang singing search. Tsika nga ng aming source na minsang makasama raw ng mga ito ang nasabing singer/actor sa isang party, kung saan pare-pareho silang naimbitahan ay super deadma raw ito sa mga taong naroroon na naka-chin-up na animo’y sikat na sikat.
Ni hindi man lamang daw ito ngumiti sa mga taong ngumingiti sa kanya at hindi nambabati ng mga bumabati sa kanya, na animo’y nagte-tengang-kawali at walang narinig. To the height pa raw ang kaartehan nito na ayaw na may kasama sa dressing room, na gusto yata ay siya lang at mga kapwa niya kasamahan sa isang malaking TV network ang gusto niyang makasama, nagka-taon daw kasing may ibang mga artista na naroroon.
Kaya naman daw ang ending, umalis ito at ‘di na nag-stay sa dressing room at nanatili na lang sa kanilang sasakyan, daig pa nga raw ito ng kanyang kasamahang young actor na ‘di hamak na mas sikat sa kanya, pero marunong ngumiti at bumati sa mga taong bumabati sa kanya.
John’s Point
by John Fontanilla