FINALLY, PRESIDENT Noynoy Aquino cited a reason on why he excluded Nora Aunor in this year’s National Artist roster.
Sabi ni PNoy, ginawa niya iyon dahil nasangkot at na-convict si Nora dahil sa droga.
“Ayokongh may mensahe na kung minsan puwede ang iligal na droga. Or acceptable. Kung ginawa ko siyang National Artist, paano siya as a role model?”
“Ginagalang ko siya. Kinikilala ko ang kanyang trabaho at mga obra. Pero ang prolema ko, mas mataas ang prayoridad na may maliwanag na mensahe: zero tolerance sa drugs,” paliwanag ni PNoy.
Ganoon naman pala, eh, bakit ang mga kaalyado mong sangkot sa pork barrel scam ay masyado kang soft? Why do you treat them with kid gloves? Bakit ‘yung mga cabinet members mo na isinasangkot sa pork barrel controversy ay hindi mo pa tinatanggal?
Anyway, naglabas na ng saloobin si Ate Guy na nagpasalamat sa “lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.”
“Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan, mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa, ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.”
Ate Guy, in a subtle protest to the government, wore a black T-shirt with this message: “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government.”
Kami rin, we are ashamed of our government dahil ang pinakamalalaking magnanakaw ay nasa GOBYERNO.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas