THERE WAS an issue of immorality raw kaya natsugi si Nora Aunor sa National Artist list.
Ang ganda ng paliwanag ni Suzette Doctolero, writer ng GMA-7, sa issue.
“Kailan pa nagng katumbas ng pagsasanto ang mapili para mahirang na pambansang alagad ng sining? Kung ganun ay tanggalin na rin sa pagiging pambansang alagad ng sining si Nick Joaquin (kasi siya ay lasenggo), si Brocka at Bernal (dahil sila ay mga bakla at ayaw ng mga moralista sa mga bakla), si Jose Garcia Villa (kasi ang mga nauna niyang tula ay na-tagged sa panahon niya bilang obscene/imoral) etc etc,” tili ni Suzette sa Facebook account niya.
“Ganun talaga ang karamihan ng artist: Baliw. Rebelde. Walang takot. Lumalagpas madalas sa linya. Binabaluktot ang tuwid at itinutuwid ang baluktot. Naghahanap. Nagpapakalunod minsan sa kaimoralan para maintindihan kung bakit ang imoral ay imoral para humugot doon ng universal truth, ng karanasan, ng sugat, ng sakit para makadagdag sa lalim ng pag-arte, panulat, pagpinta, paglikha (hindi ba’t si Maya Angelou ay naging isa pang puta? E si Roman Polanski at Woody Allen ay pawang nakakasukang mga pedophile pero lintik ang mga pelikulang nagawa).
“Wala tayong pakialam sa mga naging personal choices at decisions ni Nora sa kanyang buhay. Sining niya lamang ang ating dapat timbangin,” dagdag pa ni Suzette.
If there is really an issue of morality against Nora, then scrap that National Artist award because most nominees are not bereft of morality issues.
We think that President Noynoy Aquino is senseless in having a hand in excluding the name of Nora in the National Artist list. May karapatan kasi siyang i-veto ang sinumang sa tingin niya ay hindi deserving but clearly he made a VERY BIG MISTAKE. You don’t do it to the Superstar whose success in every field of entertainment is UNPARALLELED!
You know NOTHING about Ate Guy, Mr. President. She is WAY BETTER than you, Mr. President. You will not be GREATER than her, no, not in your LIFETIME!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas