Para sa mga Noranians na praningning, heto ang update sa amin ng isang hardcore Norianian na kasamahan nila kung saan nagmumula ang mga kuwentong Nora Aunor namin.
Sorry raw at nagkamali siya sa column feed niya sa amin about sa “demandahan” na supposed to be ay mangyayari sa idol niya kung sakaling hindi natapos ni Nora Aunor ang pelikulang “Kabisera” na isinulat na rin namin two weeks ago, pero nagkamali kami at ang naisulat namin na ang pelikula na inindyan ni Nora at may pagtangtakang demandahan ay ang pelikulang “Balatkayo”. Sa dami ng mga sampu-samperang indie films na waley namang income generating movies ang aktres, ang naisulat namin ay ang pelikula ni Aiko Melendez, imbes na ang pelikulang “Kabisera”, kung saan siya ang bida.
Mabuti na rin at inayos na ni Nora ang problema niya sa kanyang producer, dahil ‘pag nagkataon ay baka magkatuluyan ng demandahan ang aktres at ang producer niya ng pelikulang “Kabisera” na natapos niya only last week.
Pero may katsipan sa panawagan sa mga Noranians ang direktor ng pelikulang “Hinulid” na mag-donate ng P500 to P1,000 sa funding ng pelikula para matapos ang pelikula, na natawa ako at ipinanglilimos na pala ng mga hibang na mga Noranians ang kanilang idol para lang magka-pelikula.
Pagkatapos ng project ni Nora for “Hinulid” pupunta siya sa Amerika para matuloy na rin sa wakas ang kanyang ilang taon nang naaantalang operasyon sa Boston para manumbalik na ang kanyang boses.
Pero heto ang kuwento ng solid Noranian source namin na magkakaroon talaga ng demandahan daw ay ang pelikulang “Oro” na kuwento tungkol sa mga naghahanap ng ginto sa Caramoan sa CamSur, kung saan nasimulan na rin ni Nora at nakapag-shooting na rin siya ng 1 day na nang nalaman ng aktres na diumano’y isa sa mga financier ng pelikula niya ay supporter ng kalaban ni Sen. Grace Poe na manok ni Nora noong nakaraang eleksyon na umuwing talunan at luhaan, biglang nagbago ang ihip ng hangin at ayaw na raw gawin ni Nora ang project.
In short, tuloy pa rin ang isang demandahan, and this time it’s about Nora’s political belief.
Basta, kaloka! Iba’t ibang kuwento. Iba’t ibang eksena. Basta, masaya.
Reyted K
By RK VillaCorta